Chapter 11

100 4 0
                                    

IVIS VALERY QUILTON

Mabilis kong naidilat ang mata nang mapanaginipan ang pangyayaring yon. Nalulungkot ako dahil bigla kong namiss ang Papa ko pero lamang pa din ang kilabot dahil naalala ko na naman yung tungkol sa multo na yon. Yawa. Hanggang ngayon nakakakilabot pa din.

Masama ang mukhang umupo ako, tsaka ko lang na-realize na nasa sahig na kaming dalawa. Nang tignan ko si Ace, napakislot ako sa gulat nang makitang minamasahe niya ang balikat niya at ang sama-sama ng tingin niya sakin.

"I told you we're gonna fall."

Nakamot ko ang ulo saka awkward siyang nginitian. "Ang mahalaga dalawa tayong nahulog, ano ka ba. Pero hindi naman masakit ang likod pati na ang braso ko."

"You made me your bed and my arm as your pillow. So probably you won't feel swolen anywhere." Pag-simangot niya lalo.

"Kung ganon dapat tinulak mo nalang ako palayo. Hinayaan mo din naman ako, ano namang alam ko eh tulog ako. Gusto mo din naman, asus!" Pang-aasar ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin. Kaya masarap siyang asarin dahil nagre-react siya agad. Hindi na siya katulad noon na iisang reaksyon lang ang meron. Ngayon kahit papaano ay dumadaldal na siya at nararamdaman kong mas napapalapit kami sa isa't-isa.

Well, wag nalang natin isama yung halikan at yakapan sa level ng closeness namin. Ibang usapan yon.

"Gusto my ass. Brush you mouth, it stinks!" Pinaypayan niya pa ang harap ng ilong niya.

Otomatikong sumimangot ako saka malakas na binugahan ang palad at pinaamoy mismo sa ilong niya mismo. Mabaho pala ah. Nanlaki ang mga mata niya at hindi kaagad nakagalaw dahil sa gulat. Bago pa siya makapag-reklamo ay tumatawang tumakbo na ako papuntang kusina.

"Ivis! You prick!"

.

.

.

"Where are we going?"

Hindi muna ako sumagot at sinuot sa kaniya ang nakita kong bonet. "Isuot mo to. Mag-bend ka."

Sinunod niya naman agad ako at nag-bend ng bahagya para ako ang magsuot ng bonet mismo sa ulo niya dahil masiyado siyang matangkad. Nakatingala siyang nagtanong sakin.

"What's this and why?"

"Bonet yan. Mainit kasi tapos mahaba pa yang buhok mo, maganda yan para hindi pagpawisan ang noo mo at tigyawatin ka." Tumayo na ulit siya ng tuwid nang matapos ako. "Isa pa, nakaka-attract din sa mga babae yang buhok mo kaya kailangan ding itago para mabawas-bawasan naman ang tumitingin sayo kapag naglalakad tayong dalawa."

Tumaas ang parehong kilay niya. "Then you should wear a bonet as well."

"Hmm? Ba't naman?" Tumalikod ako sa kaniya tsaka chineck ang sarili sa salamin. Inayos ko ang buhok na halatang hindi sinuklayan ng tatlong araw sa gulo, jok.

"Many people are also looking at you, especially men. Isn't that because you're also attractive?"

Natigilan ako at napakurap ng ilang beses nang maramdamang biglang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-angat ako ng tingin sa salamin at tinignan doon ang repleksyon niya.

Nang tignan ko ang ekspresyon niya, seryoso lang yon at ang pagkakatanong niya ay inosente lang din. There's no tone of intention that he wants to flatter me. Napalunok ako. Yawa, ang oa ng puso ko. Para namang siya ang unang tao na nagsabi sakin non, well, unang demonyo, pero hindi yun ang unang beses na narinig ko yun sa kahit sino.

Demon King l Choi Yeonjun ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon