Prologue

304 6 1
                                    

IVIS VALERY QUILTON

Muli ay sinubukan ko siyang sipain sa sikmura pero mabilis niyang nahawakan ang paa ko at pilipitin yon.

"Fuuuuck!" Napasigaw ako sa sakit.

Hindi na maganda to, nauubusan na ako ng hangin at ano mang oras ay mapapatay niya ako. Nasa ere pa din ako at sakal-sakal nang demonyong to na sinasabing siya daw ang hari ng mga demonyo. The hell would I believe in that! Miyembro yata ng kulto ang isang to!

Bigla-bigla nalang siyang susulpot sa dinadaanan ko dito sa eskinita samin tapos sasabihin ang ka-bullshitan na yon at kailangan niya daw ang kwintas na meron ako. Aba, paki ko sa kwintas niya. At dahil nga hindi siya matigil sa kakasambit tungkol doon, sinugod ko na siya at bubugbugin sana nang magulat ako dahil sa isang iglap ay nakalutang nako sa ere at sakal-sakal niya.

Nakakainis pa dahil simula nang magumpisa ang dwelo naming dalawa ay hindi ko pa siya natatamaan kahit isang beses. Hindi ako papayag na papatayin niya ako nang hindi ko man lang siya nadadapuan ng sapak sa mukha.

"You fucking bastard!" Sigaw ko bago buong lakas na sipain siya gamit ang dalawang paa ko. Mukhang hindi niya inaasahan yon kaya napabitaw siya at napaatras.

Napaingit ako nang bumagsak ako sa lupa. Nauna pa ang likod ko at ramdam ko ang pag-crack nang isa sa mga buto ko don. Yawa. Demonyo talaga tong lalaking to.

Nanghihinang tumayo ako habang nakangiwi dahil sa sakit ng isang paa kong pinilipit niya kanina. Habol-habol ang hininga na sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy! I get it that you're bored but even though you're that bored, you shouldn't choke someone like that! Are you planning to kill me, you freak!"

"I must say I'm amazed of your courage to yell at me." Sinabi niya lang habang pinapagpagan ang kumay itim na leather coat na suot-suot. Ang init-init nakasuot ng ganyan. Weirdo.

Inirapan ko siya. "Bakit, ini-expect mo bang iiyak ako at magmamakaawa sayo? Mukha mo." Sabi ko at muntik nang mapaluhod nang manlambot bigla ang isang tuhod ko.

"Just give me the necklace and I'll leave you alone." Nilahad niya ang kamay sa harapan ko.

Sinulyapan ko yun at muling binalik ang tingin sa kaniya. "Makulit ka din eh no? Hindi ko nga alam yang kwintas na sinasabi mo. I do not own any accessories. Baka nasangla ko na yon o nabenta, ewan ko."

"I don't believe you."

"Edi wag, pakialam ko naman." Bawi ko. "Kahit hubaran mo pa ako wala kang makikita—h-hoy, anong ginagawa mo?! Bitawan mo nga ako!" Napasigaw ako nang lumapit siya sakin at hawakan ang dulo ng damit na suot ko.

"I need the necklace and if I should remove all your clothes to find it, I will." Aniya at patuloy sa ginagawa.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Hindi ka ba makapick-up ng joke?! Joke lang yun! Joke! Bitawan mo nako!"

Nanlalaki ang nga matang sinusubukan kong alisin ang kamay nuya sa damit ko. Peste to, noong una may balak lang ako holdapin at ngayon balak na din yata akong rape-in.

"I don't know what joke is."

"Eh yung biro, alam mo? Biro lang yung sinabi ko, okay? Kaya utang na loob, hindi ako sexy kaya wag mokong hubaran." Tinulak ko siya palayo sakin.

Nagtagumpay naman ako at lumayo sa kaniya habang yakap-yakap ang sarili. Baliw ang isang to. Noong una ay siya daw ang Demon King, hindi ako naniniwala doon dahil hindi ako naniniwala sa mga demonyo, sunod ay hinahanapan niya ako ng kwintas na meron daw kulay pulang dyamanteng pendant, kung may dyamante don malamang nabenta ko na yon matagal na, at ngayon balak niya pa akong hubaran!

"Human, I don't have much time to waste with you. I need that damn necklace. You will give it to me or I will have to kill you." Mukhang seryoso na siya nang sabihin yon.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin para pakalmahin ang sarili at mag-seryoso din. Hindi nako natutuwa sa mga nangyayari.

"Kung sino ka man, pinapangako kong wala akong alam sa kwintas na sinasabi mo." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nangangako talaga. "Kaya kung hinahanap mo yun sakin, sinasayang mo nga lang ang oras mo dahil wala akong pagmamay-ari na kwintas na kagaya ng sinasabi mo."

"You're saying that I'm lying?" Kung magsalita siya ay parang napakawalang gana at ang itsura niya at walang kaemo-emosyon. Seryoso, sino ba talaga ang lalaking to.

Tumango-tango ako. "One hundred percent, oo."

Hindi siya nakapagsalita at nagpatuloy lang sa pagtitig sakin na parang sinisisid ang kaluluwa ko at inaalam kung nagsisinungaling ba ako o hindi. Ako naman ay ganon din.

Itim na buhok, itim na damit, itim na pantalon, itim na sapatos, itim na coat pati na ang kulay ng kuko ay itim din. Ang tanging maputi lang sa kaniya ay siguro ang balat niya. Ang kulay ng mga mata niya ay kasing-kulay ng gabi at ang labi ay halos kakulay na ng isang rosas.

Mas maganda pa ang labi niya sakin. Hmm...

Matangkad, maganda ang tindig at pangangatawan. Meron siyang kakaibang hikaw pati na kwintas.

Kasali yata to sa emo club. Yung mga taong mahilig mag-itim at mag-sadboy sadgirl sa facebook. Pero hindi naman siya mukhang jejemon. So siguro trip niya lang mag-all black.

Tumingala ako sa langit nang biglang kumulog. Ang itim ng mga ulap at siguradong ano mang oras ngayon ay bubuhos ang malakas na ulan. Ganyan din ang itsura nang langit kanina bago pa dumating ang ulupong na to sa harap ko, mabuti nalang hindi natuloy ang ulan kanina.

"Tsk." Singhal ko saka muling tignan ang lalaki sa harap ko pero napaatras ako nang makita siya bigla sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko at itutulak na sana siya nang buhatin niya ako na parang isang sako.

"H-Hoy! Saan mo ako dadalhin, ibaba mo ako!"

"You're a pain in the ass."

"Wow! Ikaw pa ang may ganang magreklamo. Teka, saan mo bako dadalhin?!"

"In my world. I need to get the necklace from you no matter what."

"Wala nga—" Hindi ko natapos pa ang dapat na sasabihin ko nang biglang tumibok ng napaka-lakas ang puso ko. Umawang ang labi ko sa sakit na dala non at hindi nako nagulat nang mawalan ako nang malay.

Demon King l Choi Yeonjun ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon