Jessy's POV
True to his words, nag dinner kame. He just send me the location and found myself in front of one the best restaurant in city.
He will treat me, right? Kasi kung ako magbabayad, di nalang.
Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Pero agad ako nilapitan ng waiter.
"Te--teka lang, wala pa yung kasama ko--"
"This way Miss Gonzales." tumango lang ako at sumunod sa kanya. Kilala ako? Medyo marami rami naman ang nag dine sa resto at nailang ako kasi ako lang ang may mumurahing suot. Pano naman kasi, di ko expected na ganito pala ka garbo ang loob.
Sana naman nag palit nalang ako ng damit. Kung ano ang suot ko sa university yun parin naman ang suot ko."Good thing you came. I am famished" nagulat ako dahil bigla lang siya nag salita, busy pa ako pa sulyap sulyap sa ibang tao.
"Why are you tense? Tsk. " tumayo naman siya and he pulled a chair for me at sapilitang pinaupo ako. Napakurap kurap naman ako sa inaakto ng boss ko.
Naka black polo 3/4 sleeves na well fitted with black slacks. Simple lang pero isang sulyap lang alam mong mayaman siya at sobrang manly ng amoy niya. Tiningnan niya ang menu.
"What? Di ka kakain? Or di ka marunong mag basa?" agad ko naman binuksan ang menu. Agad ko sinerado.
"What are you thinking Miss Gonzales?"sinamaan niya ako ng tingin.
"Galit kaba saken? Eto naba ang huling hapunan ko? At bakit dito pa sa mamahaling restaurant? Di ko kaya kumain ng ganyan kamahal." sinerado niya naman ang menu at tiningnan ako ng masama.
"Miss Gonzales, as you said labas ang trabaho sa school. Tama ka nga dun. I hate it when you disrespected me but you are right, you are my teacher when we are inside Maven but I am your boss outside of the campus. And I can tell what I want whenever it's just the two of us. I want you to eat with me. So, choose anything you want. " binalikan nya ng tingin ang menu.
"Ang mahal naman neto." napaka kamot ako sa ulo ko. "ano bang pwede kong kainin dito--"
"It's my treat. Akala mo saken ipapabayad ko yan sayo? Edi ubos sana ang sahod mo."
Napakayabang talaga ang hinayupak na 'to. "hoy sir, pumayag lang ako dahil akala ko may importante tayong pag uusapan. Pwede ba 'wag na tayo magpaligoy ligoy pa?"
"chill. We'll talk later. Let's eat first. Waiter!" agad naman may lumapit na waiter samin. Pumili na siya at sinabi ko nalang na pareho lang rin sa kanya kasi nahihilo ako sa dishes nila.
"Ano bang pag uusapan natin at talagang dito pa? At baka ma late ako uuwi. Madami pa akong gagawin."
Sumandal naman siya sa upuan niya. At tiningnan ako. Bigla ako na conscious. Naalala ko ang sinabi nina Ace at Carl. Agad ko niyakap ang sarili ko.
"ihahatid kita pauwi. I want you to sign a contract." may nilabas naman siya at pinabasa saken.
"dress code"sambit ko. Tumango siya at sumipsip ng wine. Hindi umiinom si Matthew, so magkaiba sila.
"A-huh. I want a decent cloth for my executive secretary."
"Hindi ba ito disente para sayo?" tiningnan niya ang suot ko at tiningnan niya ako sa mata.
"office attire. Hindi retro theme. Magkaedad lang tayo, so I was expecting we have the same fashion sense. And you were together with that Joe Guys and they dress with class. What happen to you?" tiningnan niya ako mula sa buhok hanggang sa pananamit ko. Napangiwi ako sa inis sasagutin ko sana siya nang pinigilan niya ako.
YOU ARE READING
TIG2: Intertwined Fates
Randomhttps://www.wattpad.com/story/31187347-the-impossible-girl-completed Check the above link given for Book 1, Thank you *Every time I looked at her, she reminded me of someone that I don't remember. And I think that someone is not real or...