decicated to: The_Gorgeous_Fighter enjoy reading! (Mag dedeicate rin ako sa iba, please wait for next update :) )
Tatlong araw na. Tatlong araw simula binawian ng buhay si Alvin. Kahit malinaw na ang lahat ng ito kay Jessy ay hindi parin siya makapaniwala na hindi na magigising ulit si Alvin sa mahimbing na pagkakatulog neto. Sinasabi ng isang isip niya na tanggap niya pero may isang banda naman sa isip niya na bakit sa ganito nauwi ang lahat? Nakaupo lamang siya sa isang silid ng isang funeral house kung saan nakahimlay ang labi ng bunso niya.
"Hindi ka parin ba lalabas Jessy?" bungad ni Ren nang binuksan niya ang pinto ng masikip na silid. May hawak hawak naman ito na picture frame na yakap yakap niya. "Duckling..." tawag ulit ni Ren. Hindi ito kumibo.
"Jessy." tawag neto sa pangalan niya. Nakatulala parin ito. "Madami ng tao sa labas. Kailangan mo ng lumabas. Hindi ka parin nila nakikita. Nag aalala na mama mo." Mas hinigpitan naman niya lalo ang hawak sa frame.
"Jessy.... diba pinalaya mo na siya? Ano nanaman ba yang ginagawa mo? alam mo mas mahihirapan manahimik ang kapatid mo nyan." Tiningnan niya si Ren ng masama. Naiinis siya kung bakit napaka manhid ni Ren. Akala niya siguro ganun kadaling tanggapin ang lahat?
"Wala kang alam sa nararamdaman ko ha! kaya huwag na huwag mo ako inisin!" halos sigawan niya naman si Ren. "tsk. Oo, wala. Dahil nakalimutan ko na rin ang nararamdaman mo ngayon dahil matagal ng dumaan yan saken. " Naiyak nalang si Jessy. Nakatingin lang si Ren sa kanya, dahan dahan ito lumapit at tinapik tapik ang balikat neto.
"Sorry Jessy dahil ganito ang nangyari. Pero.... kailangan ka parin ng pamilya mo. At sa pagbalik ni Matthew, sana katulad ka parin ng dati. Alam ko mahirap, pero may mga naghihintay rin sayo." Tiningnan niya si Ren at hindi niya na napigilang maiyak. Patuloy ang pag agos ng luha sa mata niya at naghahabol ang pag hinga niya dahil naninikip ang dibdib niya. Hindi madaling kalimutan ang lahat.
Lahat ng naaalala niya kay Alvin, ay magiging alaala nalang. Sa pag tawag sa kanya bilang 'Ate', ang bangayan nila, ang concern look neto, mga ngiti, kung kinikilig ito, pagiging ambisyoso neto at marami pang iba na bumubuo bilang isang Alvin na bunso niyang minahal niya ng labis. Lahat ng yun magiging alaala na lamang.
Umiyak lang siya ng umiyak, inilabas niya ang lahat ng sakit sa pamamagitan ng paghagulgol niya. Ren watched her cry while tapping her shoulder. Hinayaan niya ito umiyak at nanahimik lamang siya.
Another 5days passed. Bukas na ililibing si Alvin. Napag desisyunan na ipaalam niya muna ito kay Dani, ang pinakamatalik niyang kabigan na isa sa mga tumulong sa kanya. Matapos matanggap ni Dani ang balita ay agad siyang lumipad pabalik sa bansa. Hindi siya makapaniwala sa nabalitaan niya.
YOU ARE READING
TIG2: Intertwined Fates
Randomhttps://www.wattpad.com/story/31187347-the-impossible-girl-completed Check the above link given for Book 1, Thank you *Every time I looked at her, she reminded me of someone that I don't remember. And I think that someone is not real or...