Chapter 14: It's decided

492 19 5
                                    

After a week, hindi na nagtagpo ulit ang landas nina Jessy at Navin. Napag desisyunan nalang nilang umuwi. Nalaman kasi nila mula sa information ni Mr. yohan na tumungo na sina Navin at Jaqueline sa Paris,France.

Nag liligpit ng mga gamit si Jessy nang biglang nag ring ang phone neto. Si Ren ito agad naman niyang sinagot.

"Oh kumusta ang Canada Ren?"  sinubukan naman niyang maging masigla sa kabilang linya.

Jessy's POV

"Don't ever mention that Place!! Whatever. So nakumbinsi mo ba si Matthew na maniwala sayo?" wala naman ako masagot sa kanya. Nakatingin lang rin saken si Ayu na nakapout. Alam naman niyang nag sayang nanaman ako ng pagkakataon.

"ah ... About that."

"So, it's a no? Tsk. Sabi sayo ako na sasama sayo!! Mas magaan ata loob ni Matt saken eh!" kung maka sigaw naman ito parang sobrang alam niya ang outcome.

"wow ha! Wow! Bakit anyare pala dyan sa Canada Ren? Kumusta na kayo ni Loise? " there was a pause on other line. Narinig ko napabuntong hininga lang siya.

"I'll tell you once you come back home. Umuwi na ako agad. " malungkot naman ang boses niya.

"Sige... Pero Ren, nakita namin si Carl."

"REALLY?!"

"pero, ayaw niya sumama samin. At hindi na namin siya mahanap." agad naman siya sumigaw sa kabilang linya. Hindi siya napapaos?!

"HAY NAKO JESSY!! KUNG ALAM KO LANG SANA PUMUNTA NA AGAD AKO DYAN SA AMSTERDAM! SIGE NA BYE NA. PINAPAINIT MO ULO KO"

Natunganga naman ako sa phone. Walang hiyang lalakeng yun! Kung anu ano nalang pinag sasabi. Akala niya ba madaling kumbinsihin ang mga taong ayaw sumama saken?!

"Ano po sabi ni Kuya Ren?" tanong saken ni Ayu. Umiling lang ako. "hays. Wala naman. Nambubusit."

"ah. Sige lang ate jessy, pero ayaw ko ipaasa ka pero nararamdaman ko na babalik at babalik si Kuya Matt. "

Ngumiti lang ako sa kanya. "Sana nga Ayu. Ikaw, sasama kaba samin pauwi?"

"Hindi na muna ate Jessy. Tatapusin ko lang ang contract ko sa Italy. Hehe."

"Ganun ba. Sige mag ingat ka dito at kung may kailangan ka huwag ka mag dalawang isip na tawagan ako ha. Parang kapatid na rin kita Ayu." nag blush naman siya. Alam ko katulad ko, sobrang miss niya na rin si Alvin. Ano kaya kapag buhay pa si Vin? Siguro, sila na ngayon at sobrang saya nilang dalawa.

Niyakap ko naman siya. Matagal tagal nanaman kameng magkikita ng batang 'to.

"esfriend, are you ready?" pumasok naman ng kwarto si Dani. Babalik na ako samin habang siya naman ay tutuloy muna sa Japan dahil sa isang business meeting.

"Yeah. I'm going home now."

****

Ren's POV (When he was in Vancouver, Canada)

I went to Vancouver, Canada. Nalaman ko naman ang address kung saan si Loise nakatira kasama ang pamilya neto. Tanaw na tanaw naman ang garden ng bahay nila dahil open lang ang tinitirhan nila. Walang pader o gate.

Shit. Bakit ba ako pumunta dito?kasalanan naman ito nina Dani, Than at Jessy. Aalis na ako.

Bigla naman akong nakarinig ng isang iyak. Iyak ng isang baby. Nakatago ako sa likod ng puno habang pinagmamasdan sila. Putek. Bakit naman ako nagtatago? Ano ngayon kung makit niya ako? Edi sasabihin ko napadaan lang ako!

Wtf. 3 long years at sobrang ganda na niya. Mas sexy. Mas pumuti. Mas gumanda ang mahabang buhok neto. Fvxk. Hindi na buhaghag mga pre!! Wavy na at ayos na ayos na.

TIG2: Intertwined FatesWhere stories live. Discover now