After a month
Jessy's POV
Naghihintay kame sa airport. Kasama ko naman sina Nathan at Ren. Babalik na sila. Not just one.
Tatlo sila. Si Ace, Ayu at syempre si Carl. May inasikaso lang si Ayu kaya medyo natagalan sila bumalik. Nag resign siya sa trabaho at kinumbinsi na mag aral ulit. Mag aral ng 4year course. Kahit ayaw niya, pinilit ko na susuportahan ko siya abutin ang mga pangarap niya. Para ko na rin kasi siyang kapatid kaya kailangan tulungan ko siya abutin ang pangarap niya. Kinumbinsi rin siya nina Ace at Carl. Sa maikling panahon, naging close silang tatlo. Lumalaki ulit ang circle of friends namin.
"tsk. Ang tagal tagal ng mga yun. Ano ba darating sila o hindi?"inip na inip naman si Ren.
"Relax ka gowro noh?! Masyado kang atat."
"Tsk tsk. Selos kasi yan Jessy, kaya nagkakaganyan. " bulong saken ni Than pero bulong na siguradong maririnig ni Ren.
"Selos? Are you crazy? Why should I be jealous? And with whom? Stupid. " inis na sabat ni Ren. Ano bang problema neto?
"Are you not? Because you'll see Ace after such a long time, and mind you he spent that 3 years alone with your Ex. Loise Belle." hindi na umimik si Ren, alam na naming pissed off na siya. Kaya di na siya inasar ni Than. Selos siya kay Ace? Alam ko namang Bff lang sila ni Loise and nothing more.
Hay nako, bakit ba kasi ayaw niya pang aminin na talagang gusto niya pa si Loise! Naloloka ako sa kanilang dalawa!
"Oh! There they are!!" kumaway naman si Than. Agad namang tumakbo patungo saken si Ayu at niyakap ako ng mahigpit. Sobrang namiss ko rin ang isang 'to.
"Ate Jessy!!!"
"waaaa!! Na miss kita Ayu!!" nakita ko naman si Carl, papalapit samin. It's still written on his face-- that guilty look.
"GUYS!! Damn it!! You look different!" agad naman niyakap ni Than si Ace at Carl. Nakatingin lang si Ren sa kanilang tatlo.
"Wala man lang hug Ren? What's with your beard? Ang panget mo." panimula ni Ace. Mas naging manly si Ace, at mukhang healthy na rin.
Tahimik parin si Carl, di kame sanay. Niyakap ko naman siya. Hindi siya gumanti, ngumiti lang siya ng tipid.
"Thank goodness, you came back."
Wala naman siyang sinagot saken."Tsk. Gago ka Carl!! Di ako sanay sayo!!" agad naman na head lock ni Ren si Carl. Akala ko sasabayan niya ang katahimikan ni Carl. Nakakamiss ang barkada nila-- si Matthew nalang kulang.
"Argh!! Ren! Nasasaktan ako!"
"Wala akong naririnig ulol! Kumusta ka? Na hospital ka daw?!" nakaalis naman siya sa head lock ni Ren.
"I'm fvkcing fine. Tsk. Malayo yun sa bituka. "
"Really? Aware ka naman siguro na sa bituka ka nadale?" tatawa tawa naman sila. Kahit ang tagal nilang di nagkita, ang close parin nila.
***
Naisipan naming kumain sa labas. Walang jet lag jet lag sa kanila. Bonding agad. Nasa isang resto kame. Puno ng tawanan pero ang bago lang, napaka tahimik ni Carl.
"What's with the mood Carl? Are you okay?" tanong naman ni Thanie sa kanya. Tumango naman si Carl. Nangayat ito at malungkot ang mga mata neto.
"kung ano man ang nangyari dati. Hayaan na natin yun." sabi ko naman sa kanya. Napatingin sakin si Ayu, alam ko walang alam si Ayu sa mga nangyari dati. At alam rin namin na hindi alam ni Carl na si Ayu ang first love ni Alvin, at ayaw na namin malaman nila yun dahil ayos na ayos na ang lahat.
YOU ARE READING
TIG2: Intertwined Fates
Randomhttps://www.wattpad.com/story/31187347-the-impossible-girl-completed Check the above link given for Book 1, Thank you *Every time I looked at her, she reminded me of someone that I don't remember. And I think that someone is not real or...