Jessy's POV
Nagulat ako nang natumba si Ren dahil sa pagkabangga sa kanya ng isang babae. Ang lakas naman ng babaeng 'to, ang laking tao kaya ni Ren pero talbog siya dito.
At dahil mabait ako, tinulungan ko siya itayo pero napatingin ako sa babaeng nakabangga kay Ren at nanlaki ang mata ko. Nanginig ang kamay ko, siya ang babaeng tinawag ni Matthew na 'baby bear'.
"Navin!!" kaway niya naman at agad ako napatingin sa lalakeng tinatawag niyang Navin.
Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil pakiramdam ko nabibingi at namamanhid ako sa nakikita ko. Umalis ang babae at sinalubong siya ng halik ni Matthew sa noo.
Bakit kumikirot ang dibdib ko?
Hindi...hindi siya si Matthew, diba? Navin nga daw eh. Pero bakit kamukhang kamukha siya ni...yosiboy?
"Sabihin mo saken Ren na hindi si Matthew yun" pinipigilan ko hindi maiyak pero ang sakit ng lalamunan ko sa pagpipigil.
Sinasabi ng puso ko, siya yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Yung mata niya, ngiti niya, tindig niya...lahat kabisado ko parin kahit ang tagal tagal ko na siyang hindi nakita.
Nakakalayo na sila pero hindi ko parin kayang gumalaw.
"Lintek Jessy!! Habulin natin!" nakatayo na si Ren at hinablot niya ang kamay ko. Pero ako na ang pumigil sa kanya. Umiling ako sa kanya.
"ANO?! Si Matthew yun!!" halos sigawan niya na ako. Alam niyang ang tagal ko ng hinahanap si Matthew.
"hi..hindi siya yun. Dahil may kasama siyang iba. At... Navin pangalan niya" rason ko sa kanya. Pero bakit ganito? Para akong sinasaksak ng paulit ulit sa tuwing naaalala ko na may ibang babae na pala sa buhay niya.
Nabasa ko sa mukha ni Ren na maging siya ay hindi na sigurado kung si Matthew ba ang nakita namin o hindi.
"Jessy...."
"hindi siya yun eh." halos maluha na ako. "kasi kapag siya yun. Maaalala niya ako. Kaya hindi siya yun Ren." at tumulo na ang luha ko. Hindi ko alam bakit ako naluha.
Pero sa totoo lang, ayaw ko ng sumunod dahil takot ako malaman na baka nga siya yun at tuluyan niya na ako---kameng kinalimutan.
"f*ck. Oo na! Hindi siya yun! Putek, namamalik mata ata tayo. Ang common naman ng mukha ni Matthew!"
Hindi ko alam kung nagsisisi ba ako na hindi ko siya hinabol o sadyang tanga ako dahil ako nalang ang umaasa?
Sa sobrang gulo ng isip ko, hindi ko man lang nagagalaw ang pagkain na nasa harap ko at napansin ko ganun rin si Ren. Pareho kaya kame ng iniisip?
"Tskk" He's totally bothered. He looked at me. "I've been with Matt for more than half of my life. At ngayon lang ako hindi naging sigurado kung siya ba talaga ang nakita ko o hindi" sabi niya. Hindi ako sumagot sa kanya dahil maging ako hindi ko na rin alam.
"Ren..." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Naramdaman ko na napatingin siya saken . "habang kame ni Matthew, wala ba siyang iba?" Ayaw ko rin mag duda.
"tsk. Alam mo ang sagot dyan."
Oo, kahit kelan hindi siya nagtaksil. Pero sino yung babae?
Tumayo na si Ren nang hindi niya man lang nagagalaw ang pagkain niya. " Mauna na ako. Inaantok na ako." umalis na siya. Alam ko kailangan niya rin ng panahon mag isa, katulad ko.
Ren's POV
Fvck. Fvck.
I know what I saw. That was Matthew. How come he doesn't recognize us? And who the heck was that girl?
YOU ARE READING
TIG2: Intertwined Fates
Randomhttps://www.wattpad.com/story/31187347-the-impossible-girl-completed Check the above link given for Book 1, Thank you *Every time I looked at her, she reminded me of someone that I don't remember. And I think that someone is not real or...