Chapter 6: It's you

713 39 36
                                    

Dedicated to: @ShaninePearlAlipao sana magustuhan mo. :) btw, try niyo makinig sa kanta ni Ed sheeran Perfect at Happier. waaa~ Bet bet talaga. 

PRESENT TIME

Jessy's POV

Tatlong taon na pala. Tatlong taon kana wala sa mundong 'to. Pero... ayos lang. Natanggap ko ang lahat ng yun. Sa tuluyang pamamaalam mo, alam ko nakuha mo rin ang panghabambuhay na Buhay, na walang iniintindi at walang iniindang sakit sa bagay bagay.

Nilinisan ko ang lapida niya. At sinindihan ng kandila at nag alay rin ako ng dasal. Dinaanan ko siya dahil kailangan ko umalis ng bansa para mag attend ng seminar at training sa Chicago."Yow.. Jessy." Tumayo naman ako at binati si Ren. Palagi kameng nagkikita dalawa, at alam ko may tanong siya na gustong gusto niya tanungin. Napaka simple pero alam ko mahirap sa posisyon niya.

Yung ay kung kumusta na si Loise. Ano na ang estado neto? Kung nasan ba talaga ito naninirahan? At kung.... may iba naba ito. Kahit nag oopen topic ako ukol dito, siya naman mismo ang umiiwas. Siguro, kailangan ko nga hayaan nalang na siya ang kumilos.

Sila ni Nathan ang nanatili sa tabi ko sa oras na nahirapan ako at sobrang diniin ng masakit na kapalaran. Sinabi nila ang lahat ng tungkol sa pag alis ni Carl at Miss Maven, at sa biglaang pag alis ni Matthew at esfriend. Nainis ako sa lahat ng nalaman ko, dahil hindi nila ito pinaalam saken sa simula palang. Pero, kalaunan, naintindihan ko rin kung bakit ginawa nila ang lahat ng yun.

"Kumusta na bro?" binaba naman ni Ren ang dala niyang bulaklak. Natutuwa ako dahil hindi siya nakakalimot. Para na nga silang mag kapatid."Sorry di namin makakasama si Than.. pero sabi niya bibisitahin ka raw niya kung vacant na siya."

Tumayo na rin siya sa tabi ko at tinitingnan namin ang sinindihan naming kadila. "ang bilis ano? Parang kalian lang." Tumango naman ako sa kanya. "at least hindi na siya nahihirapan. At alam ko nasa mabuting at magandang lugar na siya."

"At sana bumalik na siya. Hindi ko naman sinisisi ang lahat ng yun sa kanya." Nang pinaalam namin kay Matthew ang pagkawala ni Alvin, hindi na siya tumawag pa. Nawala siyang parang bula. Binawian ng buhay si Alvin dahil sa multiple organ failure. Kung saan available na ang puso niya, ayaw niya ng tanggapin at bumigay na rin ang katawan niya. Kahit tumanggap siya ng transplant organ hindi rin sigurado ang pag galing niya. At hiningi na rin niya samin na huwag nalang naming ituloy. Masakit samin pero nirespeto namin ang gusto niya. Nakangiti siyang namaalam samin, habang iniwan niya kame ng may sugat sa puso.

Tatlong taon na rin ang lumipas at alam ko mas masaya na siya ngayon. Namumuhay na siya sa ibang mundo ngayon na walang sakit na iniinda. Pinaalam samin ni Daniel King na umasang di na babalik si Matthew dahil sumuko na ito samin. At dahil nakuha niya na ang iniwan ng mama niya sa kanya, kaya hindi niya na kailangan pang mamuhay ng mahirap.Pero...alam ko kasinungaling lahat ng yun. Alam ko hindi siya bibigay. He promised that he won't let go. At nangako rin ako sa kanya na hinding hindi ko rin siya tatalikuran.

Gusto ko isipin niya na kahit ni minsan hindi ko siya kayang sisihin sa lahat ng nangyari.

"Sana mahanap niya ulit ang daan patungo sa satin. Hindi ko naman siya susumbatan sa lahat ng nangyari."

"Thank you Jessy ha. " nakangiting sabi saken ni Ren. "Alam ko kulang ang effort naming lahat, at hindi ko masisisi kung bakit biglang hindi na nagpaparamdam satin si Matt. Pero...alam ko sa puso niya, mahal ka parin niya. At hindi niya lang maiwasan na hindi masaktan sa lahat ng nangyari."

"Oo.. pero hindi ba masyado na matagal ang 3 years? Sana naman maisip niya na... umaasa ako sa pagbalik niya." inakbay naman niya ako sabay gulo sa mahabang buhok ko. Oo, inalagaan at pinahaba ko na rin ang buhok ko. Gusto ko lang makita niya ang pagbabago sa anyo ko. "hindi natin alam ang ginagawa ngayon ni Matt.. pero, malay natin? Tayo ang unang makakahanap sa kanya." inabutan niya naman ako ng ticket. Nag dasal ako ulit, kailangan na namin umalis Alvin.

TIG2: Intertwined FatesWhere stories live. Discover now