Chapter 9: The Plan

672 26 9
                                    


Jessy's POV

Tulad ng sinabi ng magaling na si Ren, hindi na ako tumuloy sa workshop. Okay sana kung kasama ko siya nung pinagalitan ako ng HR officer namin. Pero, hindi eh! Ako lang mag isa ang nakatanggap ng nakakabusog na sermon. Sinibak na nga ako, nainsulto pa ako.

Isa raw akong kahihiyan ng Maven University! Aray ko ha!!

Nakatayo lang ako malapit sa traffic light at nag hihintay mag green ang light para maka cross na ako.

Agad ako naluha at tuluyang naiyak. Ayos lang sana kung umuulan, pero hindi! Tirik na tirik ang araw habang umiiyak ang ate niyo!

Wala akong mapagsabihan ng sama ng loob at sobrang tagal ko ng tinatago lahat ng sakit.

Napapatingin ang mga amerikano saken. Wala akong pake! Hindi naman uso dito ang pakealamanan eh.

"huhuhu." lintek. Nawalan na nga ng trabaho, nawala ang sinususpetsya namin na si Matthew at nawala rin daw ang memorya niya.

Bakit ganito ang buhay?

Agad ako napahagulgol mag isa ko. Nag green na ang light pero hindi parin ako nag cross. Sa sobrang emosyon ko agad ako yumuko at niyakap ang tuhod ko. Pero....

"AWWWW!!" nasubsob naman ang mukha ko sa sahig at natumba ang lalakeng bumangga saken.

"the hell! Why are you blocking the way?! And why did you---" biglang sigaw niya pero agad naman siya natahimik nang napansin niyang umiiyak ako.

May edad na siya at halatang nagmamadali.

"errr. Are you hurt?" tanong niya saken sabay hawak niya sa balikat ko at tiningnan ang mukha ko.

"I--I am." para akong bata na mas naiyak. Halata namang nataranta siya. Akala ko wala na talagang makakapansin na sobrang nasasaktan na ako."Shhh.. Shhh.." napapatingin na kasi ang mga tao sa banda namin. Agad naman niya ako tinayo at inabutan ng panyo. Pinagpag niya naman ang tuhod ko dahil nadumihan ito. Hindi ko nagawang tanggapin ang panyo niya kaya binalik niya ulit ito sa bulsa.

"shit. Will you stop crying? The hell... I lost Mariya." bulong niya.

"come." agad naman niya ako hinila patungo sana sa isang bench pero hindi ako nagpahila sa kanya.

"What now?!" halos gigil na gigil na siya.

"I don't trust strangers." sabi ko naman sa kanya. Sa mukha naman niya para siyang nagulat. Napailing lang siya at napabuga ng hangin sa inis.

" You know what miss? I lost the lady I've been searching for years. All because of you. And now you'll look at me as if I'm at fault for what happened to you? what the hell happened to you anyway?! Why are you crying in public? Goodness." napasuklay siya sa makapal niyang buhok. Ewan ko lang ha, pero parang may naaalala ako sa pananalita niya. Sino?

"sorry sir, but I can't narrate my bitter story." napangiti siya pero may halong inis. Wala akong pake sa kanya. Inalis ko ang kamay niya na nakakapit sa pulso ko. Kailangan ko mahanap si Matthew. Pero.... Hahanapin ko muna ang gago na si Ren.

"hey hey!! Don't turn your back on me Lady! Show your manners, you're just the same age like my son!" agad niya ako hinila pabalik.

Pinahid ko naman ang luha ko. Bakit ba ang kulit ng mamang to? Ano paba ang kailangan niya saken?

"Apologize to me." he said in demanding tone.

"hala... Bakit ako mag sosorry sayo?" hindi naman siguro niya naiintidihan ano?

"aba. Sumasagot kapa." para ko nga siyang tatay. Linte!! Naintindihan niya ako?

"Hala. You can understand me?"

TIG2: Intertwined FatesWhere stories live. Discover now