"Congrats."
Yan ang sabi mo.
Habang busy ako sa pag ngiti kasama ang mga guro ko.
Tatawagin sana kita ngunit umalis ka't sumama sa magulang mo.
Nalungkot tuloy ako kasi alam kong posibleng hindi na tayo magkita sa kolehiyo.
Bakit kasi dinedma kita hanggang sa makatapos?
Naiinis tuloy ako sa sarili ko.
Inalis ko ang cap at ang toga ko nang matapos ang walang katapusang pagkuha ng litrato.
Dumiretso kami sa bahay namin dahil may hinanda silang salo-salo.
Napansin naman ng mga pinsan ko ang walang buhay ko daw na mga kilos.
Kung kaya kinuwento ko sa kanila ang problema ko tutal sila'y ka-close.
Ang sabi nila, bakit hindi ko daw itinuloy ang panliligaw ko.
Kahit daw tinanggihan ako, dapat daw pinagpatuloy ko.
Dapat daw pinatunayan ko sa'yo,
Na seryoso ako at ika'y mahal kong totoo.
Kung sabagay, sila'y may punto.
Hindi mo nga ako pinapansin noon,
Bakit kung kelan pinansin mo na ako,
Saka ako tumigil at hindi nagpatuloy?
Sana pala pinagpatuloy ko.
Pero paano 'yon? Ika'y sa ibang iskul na papasok?
Tayo kaya'y magkita pa?
O sad'yang tayo'y hanggang dito na lang?
BINABASA MO ANG
(Short Story) Yan ang sabi mo.
Short StoryKwento ng tahimik na babae at maingay na lalake.