"Liligawan kita."
Yan ang sabi mo.
Hindi ko tuloy alam ang itutugon ko.
Kung tatanggi o o-oo ako.
Tatanggi kasi baka abala pa 'yon sa'yo.
O-oo kasi iyon ang ibig ko.
Pero ayokong isipin mo na gustong-gusto ko.
Kung kaya kinunot ang noo at umiling sa'yo.
Pinagtaka mo ito at tinanong kung bakit ayaw ko.
Wala akong naisagot kaya sabi mo baka ayoko sa'yo.
Umiling agad ako kasi ayokong iyon ang isipin mo.
Kaya napangiti ka sa akin na kulang na lamang ay lumabas sa mukha mo.
Nang dumating naman ang sunod nating guro, ika'y bumalik sa upuan mo.
Narinig ko pa nga ang panloloko sa'yo ng mga kaibigan mo.
Hanggang sa nakita kong ika'y tumingin sa may dako ko.
Nabigla at napatayo naman ako dahil biglang tinawag ng guro.
Iyon pala ay dahil ako nga pala ang naka-assign sa pagtuturo.
Nakakahiyang aminin pero talagang nakalimutan ko na iyon.
Iyon ay dahil ikaw ang laging laman ng isip ko.
Ayokong mamura ng guro kung kaya kinuha ko ang mga hinanda kong gamit para sa ulat ko.
At dahil may Manila paper na kailangang idikit, ika'y tumayo at nag voluntaryo;
Ika'y tumulong sa pag-gupit ng tape na ayaw namang didikit sa blackboard.
Hanggang sa sinabi mong ikaw na lang ang maghahawak 'non hanggang matapos.
Na agad kong tinanggihan dahil baka ika'y mabagot masyado.
Pero agad mong sinabi na gusto mong gawin iyon ng todo.
At dahil dun, ang mga kaklase nati'y pinagtutukso tayo.
Ika nga nila, tayo daw ay may namumuong kakaibang relasyon.
Sumama pa sa panunukso ang ating may kalokohang guro.
Sinilip kita at tayo'y walang imik na nagkatinginan.
Namula tuloy at di alam kung anong gagawin dahil sa kahihiyan.
Nang tanungin ni Ma'am kung ano nga ba tayo,
Tumahimik ang buong silid para ako'y pakinggan.
BINABASA MO ANG
(Short Story) Yan ang sabi mo.
Short StoryKwento ng tahimik na babae at maingay na lalake.