"Sinong tinitingnan mo?"
Yan ang tanong mo.
Kaya natigilan at napatawa ako sa isipan ko.
Ang cute cute mo kasi at ika'y tila selos na selos.
H'wag ka lang mabahala't hindi 'yon nakaka-menos.
Dahil kahit kailan, hindi ko iisiping ika'y nakakaiyamot.
Kasi sa'kin, ito'y para bang ako'y iyong ipinagdadamot.
At dahil natuwa ako sa reaksyon mo, akin na itong sasamalantalahin.
Gusto kong malaman kung pano ka magselos kaya akin kang bibiruin.
Pasimple kong sinabi na may nakita akong kasingganda ng artista.
Dinagdagan ko pa ng detalyeng siya'y parang pinaghalong Julia at Janella.
Tumingin ka ng matagal sa akin at maya-maya'y tumingin doon sa aking tinitingnan.
May nakita ka yata kaya ang sabi mo mukha naman siyang makabasag pinggan.
Hindi ko tuloy napigilan at talagang ako'y napatawa.
Sa sobra mong pagseselos, ika'y nakapaghusga.
Alam kong hindi mo 'yun pag-uugali at ika'y nadala lamang.
Kaya talagang aking ngiti'y dinaig pa ng isang mangmang.
Lumapit ako sa'yo at sinabing wala naman talaga akong nakita.
Bago ka pa nakapagsalita'y noo mo'y aking mabilis na hinalikan.
Hinampas mo ako sa braso kasi ika'y akin na namang ninakawan.
Hindi naman sa inaasar ka; bagkus ako'y talagang natutuwa lamang.
Lalo na sa tuwing ika'y nagpapakita ng mga ugaling hindi mo dati pinapakita.
BINABASA MO ANG
(Short Story) Yan ang sabi mo.
Short StoryKwento ng tahimik na babae at maingay na lalake.