Babae/

11.6K 565 50
                                    

"Sorry po, I'm late."

Yan ang sabi mo.

Nanlaki tuloy ang mga mata ko.

Pinikit-pikit ko pa nga kasi baka panaginip lang 'to.

Kasi paano?

I mean, bakit ka andito?

Akala ko sa UST ka pumasok?

Nag-iba ba ang isip mo dahil masyado dung mausok?

May bahay kayo at pumasa ka sa iskul sa Maynila,

Pero bakit mo pinili na dito pumasok sa probinsya?

Sinundan kita ng tingin at sa may likod ka umupo.

Tumingin ako sa harap at nakinig na ulit sa guro.

At matapos ang isang minuto'y akin ka na namang nilingon.

Nakita kita't ikaw yata'y tila napipikon.

Dahil ika'y nililipon;

Ng mga babaeng tila ngangayon lamang nakakita ng hindi hipon.

Napailing na lang ako at finocus ang sarili ko sa klase.

Hanggang sa nagpaalam at umalis ang guro't time na kase.

Agad din namang pumasok sa room ang sunod na guro;

Na hindi man lang nagpakilala't nagdiretso agad sa pagtuturo.

Natigilan naman siya nang ika'y nagtaas ng 'yong kamay.

Narinig ko ang pagtanong mo kung ano bang pangalan niya.

Nabigla tuloy ang guro't tinanong ang klase kung hindi pa ba siya nagpapakilala.

Lahat ay umiling kaya siya'y bigla-bigla na lamang napatawa.

Napatawa na din tuloy ako at pagtingin sa'yo'y ika'y nakatingin pala.

Inalis ko tuloy ang ngiti at tumingin kung saan; ewan, naku bahala na.

Narinig ko pa ang pagtawa mo kung kaya ako'y talagang nahiya na.

Nang matapos ang klase, ang lahat ay nagsilabasan na.

Ganoon kasi ang iskedyul, ang lunes ay hanggang umaga ngunit ang martes hanggang biyernes ay puro panggabi na.

Naglalakad na ako papalabas ng iskul nang marinig ko ang boses mo na tumatawag sa'kin.

Nilingon kita at nabasa ko sa mga mata mo na tila ba may gusto kang sabihin sa akin.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon