"Sorry..."
Yan ang sabi mo.
Kaya napatingala ako.
Hindi dahil asul na langit at malambot na ulap ay gustong pagmasdan;
Ito'y dahil ako'y naiiyak;
At sakit ay akin na namang nararamdaman.Tatanggihan mo na naman ba ako sa aking pangalawang pagkakataon?
Wala ba talagang pag-asa na ako ang mamamahalin mo sa panghabang panahon?
Matapos mong manahimik ng ilang segundo;
Tumingin ka sa akin ng seryoso.
Narinig ko ang pagtutuloy mo sa iyong sinabi.
Narinig ko ang paghingi mo ng tawad sa pagsisinungaling sa akin dati.
Naguluhan ako kung kaya ika'y aking hinayaang magpahayag.
Ika'y huminga ng malalim at nagsimula nang magpaliwanag.
Akin kang pinakinggang mabuti;
At bawat salita'y aking inintindi.
Putol-putol man ang mga salitang lumalabas sa bibig mo,
Alam kong sinisikap mong sabihin sa akin ang lahat-lahat ng nararamdaman mo.
Unti-unti kitang naintindihan.
Unti-unti kong nalaman na gaya ko,
Noon pa lang; gusto mo rin ako.
At dahil dun, hindi ako nakapag-isip pa.
Kahit ang daming tao,
Sa halo-halong emosyong nararamdaman ko,
Ako'y lumapit sa iyo at iyong labi'y aking hinalikan.
BINABASA MO ANG
(Short Story) Yan ang sabi mo.
Short StoryKwento ng tahimik na babae at maingay na lalake.