Babae//

9.6K 476 59
                                    

"San mo gusto magkita?"

Yan ang tanong mo.

Kaya ako'y napagulong sa may kama ko.

Ang sakit na kasi ng pwesto't kanina pang ganoon.

Kaya iniba ko't tinutok ulit sa mukha ang cellphone.

Tumingala ako at aking inisip;

Mga lugar na hindi ka ma-iinip.

Dahil bukas ay Sabado't tayo'y napagkasunduang mag date;

At ayokong ika'y maghintay ng matagal kasi baka ako'y iyong ma-hate.

Matapos nating mapagplanuhan ang ating kitaan;

Ako'y bumangon sa kama't naghugas na ng pinggan.

Sapagkat bunganga ng aking ina'y di na mapigil-pigilan;

Kaya bago ako isumpa'y gawin ko na nga ang binilin-bilinan.

Habang ako'y naghuhugas; di ko mapigilang di tingnan;

Cellphone kong kanina pang umiilaw ng walang hanggan.

Iyon lang naman ay dahil ako'y iyo mong sinendan;

Ng relationship request sa facebook na aking inapruban.

Maya-maya'y nakita kong nagkomento doon ang aking ina.

Napalunok ako dahil nakalimutan kong itago ang post sa kanya.

Hindi naman sa ako'y natatakot o may plano akong itago sa kanya;

Pero hindi ko kasi sigurado kung ano ang magiging reaksyon niya.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon