"Mag-usap tayo mamaya."
Yan ang sabi mo.
Kung kaya kinabahan ako.
Tumayo ka pa at lumipat ng pwesto.
Sumunod din sa'yo ang 'yong ka-sosyo.
Dahil 'dun, wala akong naisip na paksa para sa proyekto;
Kaya ako'y sumang-ayon na lamang sa balak ng kapareha ko.
Matapos ang apat na oras, tayo'y pinalabas na.
Kaya ako'y napatingin sa'yo at hinintay ka.
Diretso ka lang sa pag-aayos ng gamit at tila ayaw mo kong pansinin.
Kahit alam kong kapag ika'y tinitingna'y iyo mo itong napapansin.
Matapos mong mag-ayos, ako'y iyong nilapitan;
Nag-abot ka ng nakatuping papel na iyo yatang sinulatan.
Kakausapin pa sana kita pero iyo akong iniwasan.
Tinawag kita pero ni hindi mo man lang ako tiningnan.
Hinabol din kita ngunit parang kailangan mo ng pagitan.
Kaya tumigil ako at papel na inabot mo ay aking binuksan.
Natahimik lang ako at biglang nanlumo dahil hindi ko inaasahan.
Pero p*******a, ayoko sanang aminin pero talagang ako ay nasaktan.
BINABASA MO ANG
(Short Story) Yan ang sabi mo.
Short StoryKwento ng tahimik na babae at maingay na lalake.