Babae//

10.5K 493 17
                                    

"Bakit ang cute mo?"

Yan ang tanong mo.

Kaya uminit ang mukha ko.

Siguro inyong napapansin na mukha ko'y parati na lamang nagiging kulay rosas.

Hindi ko man gustuhin ay sadya talagang itong nagpapakita nang wala sa oras.

Mahiyain kasi at talagang isang baguhan.

Kaya sana'y inyo na lamang maintindihan.

Gusto ko mang baguhin ang pagiging mailap,

Hindi siya maaari lalo na kung sa iisang iglap.

Kaya aking dinadahan-dahan muna ang pagbabahagi ng aking mga nararamdaman;

Dahil naniniwala akong sa susunod, panigurado, wala na akong pag-a-alinlangan.

Habang papunta tayo sa silid-aklatan,

Ako'y napatingin sa mga nagkakainan.

Bakit ba kasi malapit ang kainan sa silid-aklatan?

Lalo tuloy akong natakam pero akin na lang pipigilan.

Aaminin kong tiyan ko ay nagdaramdam,

Ngunit di pwede kasi may bagay na inaasam.

Tipid-tipid muna't may importanteng bagay akong dapat na pagkagastusan.

Isang beses lang din naman ito dumarating kaya akin nang pagkaka-igihan.

Akin namang naramdaman ang kulbit mo.

At tinanong mo ko kung gutom na ba ako.

Umiling agad ako sa'yo,

At sinabing may nakita lang akong kakilala ko.

Tumango ka kaya ako'y dumiretso na patungo sa loob;

Nung library na puno ng mga estudyanteng naka-ub-ob.

Lumingon ako palikod para ika'y tingnan.

Ngunit wala ka't ika'y nakatingin kung saan.

Tinawag kita na siya mong ikinagulat;

Kaya natawa ako kasi mata mo'y napamulat.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon