Babae/

14K 656 28
                                    

"Partner tayo."

Yan ang sabi mo.

Nakaupo ako at nakatayo ka lang sa may harap ko.

Kung kaya tumingala pa ko para tumingin sa'yo.

Magsasalita na sana ako pero inunahanan mo.

Tinanong mo kung may partner na ba ko.

Tumingin ako sa katabi ko at itinuro siya sa'yo.

Tatlo kasi sila sa barkada't magbestfriend yung dalawa forever.

Nakakalungkot man, wala tuloy siyang kapartner.

Tiningnan mo lang siya't tumango.

Sunod ay sa may upuan mo ikaw tumungo.

Hanggang sa ibigay ni Ma'am ang instruksiyon.

Kung kaya nakikinig ang lahat ngayon.

Akala ko talaga mahirap ang gagawin.

Iyon pala'y kailangan lang mag drawing.

Mag-isip daw kami ng paksang interesting.

Kung kaya nagsimula na kaming mag brainstorming.

Nagsilipat ang mga kaklase natin ng upuan.

Hanggang sa nakita kong ika'y napatingin sa akin at ika'y may sinabi sa 'yong kaibigan.

Maya-maya'y kayong dalawa'y nagsitayuan;

Pumwesto ka sa tabi ko at ako'y nginitian.

Sakto naman akong tinawag ng partner ko't sinabing may naisip na siyang paksang kagigiliwan.

Hindi ko tuloy alam kung sino ang titingnan.

Sa huli'y akin kang inisnaban;

At ako'y tumugon sa partner kong may pinaglalaban.

Alam mo naman ang ugali ko, hindi ba?

Isa akong taong magaling mag manhid-manhid-an.

Magaling rin ako sa dedma-han at isnaban.

Kung kaya nagtataka ako kung bakit puso mo'y sa akin mo nilaan.

Marami naman d'yang iba na hindi ka sasaktan.

Pero ganon pa man, nagpapasalamat pa rin ako.

Dahil kahit papaano'y ako'y pinili mo.

Ayoko lang na ika'y malungkot sa ating relasyon.

Lalo pa't ako'y mahina pagdating sa komunikasyon.

Ang dami-dami kong ikinababahala.

Ayoko kasi talagang ika'y ma-abala.

Lalo na't alam kong oras mo'y aking sinasayang.

Dahil alam kong hindi rin naman tayo sa kahuli-hulihan.

Kaya kahit naging masaya ako nitong mga nagdaang araw;

Ngayo'y aking tatapusin agad kasi wala rin naman tayong patutunguhan.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon