Babae/

16.4K 689 22
                                    

"Sabay tayong mag lunch mamaya."

Yan ang sabi mo.

Pero tingnan mo't nandito pa rin ako; naghihintay sa'yo.

Inutusan ka kasi ng ating punong-guro na mag-asikaso ng dokyumento.

Kaya lang ang tagal mo't nakalipas na ang tatlumpung minuto.

Gusto ko na tuloy umalis dahil baka maubos ang binigay na oras.

May ulcer pa man din ako at di pwe-pwedeng di kumain sa oras.

Kung kaya kinuha ko ang pitaka ko at lumabas ng kwarto.

Hindi pa nga lang nakakalayo'y narinig ko na ang pagtawag mo.

Patakbo kang lumapit at tinanong kung bakit lumabas ako.

Napatungo lang ako't patakbong umalis sa may harap mo.

Pagbaba ko'y nakita kong ang dami ng tao.

Sigawan doon, sigawan dito, ang maririnig mo.

At kung talagang mahina ang boses mo'y wala kang mararating dito.

Pumila ako sa may pinakalikod ng pila at doon ay tumingin-tingin.

May bumangga pa nga sa akin na hindi man lang nagpaumanhin.

At dahil ayoko ng gulo'y hindi ko na lamang siya pinansin.

Hanggang sa may tumapik sa balikat ko kaya ako'y napatingin.

Pagtingin ko'y nakita kita sa may likod ko.

Nakatingin ka sa malayo at tinanong kung anong bibilhin ko.

Sa sobra mong lapit, tumingin agad ako sa may harap ko.

Atsaka pinag-isipan kung anong isasagot ko.

Habang ako'y nag-iisip, naramdaman ko ang paglagay mo ng mga kamay mo sa'king balikat.

Pinatong mo pa ang iyong ulo kaya ako'y talagang napamulat.

Matapos iyon ay tinanong mo ulit ako kung ano ang aking bibilhin.

Ang sagot ko sa'yo'y baka giniling at kanin.

Hindi ka umimik ng bahagya't maya-maya'y nagtanong kung bakit.

Hindi ko naintindihan kaya tinanong ka ng pabalik kung anong bakit.

Ang sabi mo'y bakit hindi barbecue't kanin;

Gayong iyon naman ang madalas kong kainin.

Natahimik ako at aking inisip.

Wala akong masabi kaya akin kang sinilip.

Saktong napatingin ka sa'kin kaya aking mata'y inilihis.

Pero nakita ko ang iyong pag ngiti sa akin ng mabilis.

Nang makabili tayo'y pinapili mo ako ng pwesto kung san ko nais.

Iisa lang ang bakante kaya iyon ang tinuro kahit madumi dahil ng mais.

Pinauna mo ako kasi hawak mo ang tray na may laman ng pagkain natin.

Hanggang sa ako'y nakaramdam ng parang may mga nakatingin sa'kin.

Nang nakita ko ring may tumuro sa akin ay lalo akong napakimi.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon