"Sa may room na lang pala ako kakain."
Yan ang sabi mo.
Kung kaya naguluhan ako.
Akala ko sabay tayo?
Ayaw mo ba akong kasabay?
O mas gusto mong wala kang kasabay?
Pero kung sabagay, hindi ka nga pala pumayag hindi ba?
Ako lang 'tong gustong-gustong kasabay ka.
Nagmamadali mong kinuha ang pagkain mo sa may tray.
Tumakbo ka pa nga't nagpatak pa ang panyo mong gray.
Di naglaon ay nakaramdam ako ng mga tapik sa balikat ko.
Pagtingin ko, 'yun palang mga kabarkada ko.
Sabi nila, ayos lang daw 'yon.
Tahimik daw kasi 'yung tao kaya ganon.
Sa huli, sa kanila na lang din ako sumabay sa pagkain.
Naisip ko na sa susunod na lang kita yaya-yain.
Alam ko kasing nahihiya ka pa't sanay kang walang kasama.
Kung kaya ako na lang ang mag-aadjust para ika'y makasama.
Pagbalik ko sa room, nakita kitang nakaupo sa may upuan.
May nakasaksak sa tenga mo kung kaya hindi na lang kita nilapitan.
Nilapitan ako ng mga kaklase ko at tinanong kung anong meron.
Umiling lang ako at nagsaksak ng earphones gaya mo.
Hanggang sa dumating ang guro kung kaya itinago ko na ito.
At ang agad niyang binungad ay gagawa daw ng proyekto.
Kung kaya humanap daw ng ka-partner para dito.
Titingin sana ako sa'yo kaya lang nahiya ako.
Baka kasi tanggihan mo ulit ako.
Eh sobrang lungkot ko pa naman ngayon.
Paano pa kaya kung hindi ka na naman sumang-ayon?
BINABASA MO ANG
(Short Story) Yan ang sabi mo.
Short StoryKwento ng tahimik na babae at maingay na lalake.