Lalake//

5.6K 311 22
                                    

"Pwede bang magbreak muna tayo?"

Yan ang tanong mo.

Pero parang hindi tanong kung pakikinggan mo.

Mabuti din sana kung sa personal mo ito sinabi;

Pero idinaan mo sa text na wala man lang pasintabi.

Napatanong muna ako sa sarili kung san ba ako nagkamali.

Hanggang sa nakita ko ang komento ng nanay mong mapili.

Sinabi niyang hindi siya makakapayag sa relasyon natin;

Sapagkat bata pa daw kasi tayo at ayaw niyang may mangyari.

Tututol sana ako kaso ayokong ikaw ay magrebelde.

Kaya siguro, akin kang hihintayin hanggang sa ika'y pwede.

Handa naman akong maghintay sapagkat alam kong ikaw ang binigay ng Diyos nang humiling;

Ikaw rin kasi ang babaeng ihaharap sa altar at aking pakakaibigin hanggang buhok ay ubanin.

Pero aaminin ko, gusto kong ipilit ang sarili sa'yo kung maaari.

Kaso baka ako ay hindi mo hayaan sa aking gustong mangyari.

Ngunit hiling ko'y ipangako mo na ikaw ay talagang sa akin;

Baka kasi kalaunan, malaman kong ika'y may iba nang kapiling.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon