"Sana bigyan mo ako ng chance."
Yan ang sabi mo.
Seryoso ka kaya hindi ako nakasagot.
Gusto kita, oo.
Pero tila ba ayoko.
Tila ba ayokong mahalin ka.
Iyon ay dahil alam kong hindi tayo magtatagal.
Bata pa lang naman tayo kaya ayokong sumugal.
Lalo na sa tinatawag na pag-ibig na 'yan.
Dahil ang sabi nila'y mga bata lang ang naniniwala d'yan.
At tingnan mo,
Hindi pa nga tayo nagsisimula, nagkakalituhan na tayo ng nararamdaman.
Paano pa kaya kung tayo na?
Hinabol kita ng tingin habang bumabalik ka sa iyong upuan.
Bigla kasing dumating ang gurong mahilig magpa-principal.
Hanggang sa mag lunch break na at ang lahat ay nagsilabasan.
Mag-isa tuloy akong bumaba at nakibaka sa sigawan.
Nang makabili'y umakyat na ulit ng hagdanan.
Wala na kasing pwestong pwedeng mapagkainan.
Habang kumakain, naalala ko ang aking sinulat na puno ng kasinungalingan.
Ang sinabi ko'y tayo'y h'wag na lang magkagustuhan.
Nag-iba ang isip at nalamang ika'y hindi pala ang napupusuan.
Kung kaya'y tayo na lamang ay maging magkaibigan.
Sa ganong paraan, tayo'y may patutunguhan.
Masakit, oo.
Nung gabi nga, umiyak ako.
Kasi talagang gustong gusto kita.
Pero mas pipiliin kong masaktan agad;
Kesa mas masaktan tayong dalawa sa kahuli-hulihan.
Ako'y biglang natigilan sa pagkain.
Pagtingin ko sa labas, nakita ko ang pinakamaganda sa paaralan natin.
Ang balita ko'y nagtapat daw siya dati sa'yo; siya na parang mannequin.
Na siya mo daw tinanggihan noon nang dahil sa akin.
Naiisip ko tuloy kung tama ba 'yung ginawa ko sa'yo.
Tama bang ika'y tinanggihan dahil sa natatakot ako.
Ewan ko ba pero parang hindi yata.
Nasaktan kita at bakas na bakas iyon sa'yong mata.
Bigla kitang nakita sa may labas ng pinto.
Napansin ko pa ngang nagdalawang isip ka pa kung papasok.
Napalunok lang ako habang ika'y napa-upo.
Matagal ding katahimikan ang sa classroom ay sumakop.
Hanggang sa nangyari na nga ang aking pinipigil-pigilan.
Nagpatak na nga ang mga traydor kong mga luha.
Aking panyo tuloy ay aking dali-daling kinuha.
Pinunas ang mata't akin ka ulit na pinagmasdan.
Nakatalikod ka sa akin at tila wala ka nang pakialam.
Ang sakit.
Sobrang sakit pala na ang lapit-lapit nung taong mahal mo ngunit parang ang layo-layo ng puso niya sa'yo.
BINABASA MO ANG
(Short Story) Yan ang sabi mo.
Kısa HikayeKwento ng tahimik na babae at maingay na lalake.