Chapter 1

36.6K 673 114
                                    

Chapter 1: First

I constantly ignore Jason at school or even after school when he always gets close to me. It's hard to wholly accept a person to be a friend anymore. One time, I was laughing with my circle of friends then the next, I became an outcast.

Hindi ko alam na ganoon pala sa importante ang yaman sa buhay. Bago pa bumagsak ang aming hotel, hindi ko tinatanaw iyon. Or siguro dahil mayroon kaming pundo sa bulsa kaya hindi ko nabigyang halaga. Ganoon naman talaga. Kapag nawala na ang isang bagay, doon ang natin napagtanto ang kahalagahan nito.

"Kad, anong gusto mo sa birthday mo next week?" nakangisi kong tanong sa kapatid.

Umiling siya kaya sumimangot ako. "We can invite your friends."

"Hindi na, Ate. Kumain lang tayong tatlo ni Mommy sa labas." aniya. "Next month birthday mo rin, anong gusto mo?"

Right. Even I almost forgot my own birthday. Ngumiti lamang ako sa kapatid at hindi na lamang tumugon.

Tahimik kaming sumasakay ng jeep at naunang bumaba si Kaden habang may isang jeep pa akong sasakyan patungo ng FEU.

"Bye, ingat ka." sabi ko.

He shortly nodded and the jeel continue to drive away.

Walang pinagbago maliban nalang sa palaging sunod sunod ni Jason sa akin. It wasn't a nuisance, I just don't trust people anymore. Kahit anong gawin ko na pag-iignora sa kanya, hindi niya ako tinantanan.

A rang from my phone made me avert my eyes. It's Mom.

Kasalukuyan akong nasa library kaya tumayo ako patungo sa malayong shelf upang makausap siya. Nabasa naman ni Jason ang pangalan ni Mommy roon kaya hindi siya nagtanong.

"Hello, Mom?"

Isang accounting job ang nakuha ni Mommys. She is a CPA graduate and she's highest in her class. It is a huge relief that one company hired her.

"Aiofe, nagtext ba ang kapatid mo? He texted me without a context and I can't reach him now."

I checked my inbox briefly.

"Wala po. Baka nakasilent lang ang phone niya dahil klase."

"No, no. I'm worried."

"Try calling him again, Mom. Maybe he just pressed it wrongly."

"Kinakabahan ako rito, anak. Baka may nangyaring masama sa kapatid mo. Where did he got off last morning?"

"The usual stop po. Mom, relax. I'll call him, okay?" mahinahon kong sabi.

"Okay, okay. Hindi ko makontact, nag aalala ako. Babalik na ako sa trabaho, hija. My manager is calling me," aniya sa marahan na boses. "I love you,"

"Don't overwork yourself, Mom. I love you too," sabi ko at pinatay na ang tawag.

Bumalik na ako sa lamesa at naupo sa upuan habang dinadial ang numero ni Kaden.

"Troubled?" aniya.

Umiling ako at napakagat ng nasa ilalim na pisngi dahil cannot be reached ang kapatid ko. I dailed again but still the same.

"Itext mo nalang."

"Hindi niya ito mamamalayan."

"Or visit him if you're worried."

Dumapo ang aking tingin sa wallclock. Minus bente minutos bago ang alas tres. That's it. Niligpit ko na ang mga libro at binalik sa bag ang iba bago pumanhik sa counter upang mailista ang hihiraming libro.

Hide And Seek (A Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon