Chapter 3

29.5K 641 62
                                    

Chapter 3: Sagot

Panay ang tingin ko sa kanyang direksyon. Hindi pa rin siya umalis kahit kalahating minuto na ang nakalipas. Unti unting namang kumakalma ang aking kaba. I mean we're adults and it's not reasonable to get sentimental over doing that thing.

I tend some online orders for bouquets to be picked up and sometimes serve the tea or snacks or coffee to the customers.

Habang naghahatid ako ng cake sa isang customer, nahagilap ng aking tingin ang pag-alis niya. I'm not sure what to call him. Nakaginhawa naman ako ng malalim doon.

"Kanina ka pa bothered." komento ni Mavy nang nakabalik ako sa pantry.

I sighed sharply. "I'll change the music."

Panibagong playlist ang pinatunog ko. Now, I felt the chill and calm vibe in the shop once again. Pinasadahan ko ng daliri ang talutot ng bulaklak.

"Ayos lang ba kayo sa bahay ninyo?" nag aalalang tanong ni Mavy.

Ngumiti ako sa kanya. "Ayos naman."

She thinly smiled. "Kapag may nangyaring hindi kaganda-ganda, mangungulubot ang noo mo."

Doon ko lang napagtanto na kanina pa ako mukhang binagsakan ng mundo. Kinapa ko ang aking cellphone upang matingnan kung may mensahe ba si Mommy. Bago ko pa iyon maibaba, pangalan ni Kaden ang tumatak para sa isang text.

Kaden:

Ate, nakarinig ako ng sigawan sa ibaba. Nandito si Tita Mitchell at Lolo. Pauwi ka na?

Kinagat ko ang aking labi.

Ako:

Sinabihan ako na Mommy na wag munang umuwi. It is bad? I'll go out early.

Kaden:

No. Mommy can handle it, I think.

Ako:

Kung magpakita tayo, Kad. Posibleng kakaladkarin nila tayo. Nasa legal na edad na ako, si Mommy ang pipiliin ko. But, Kad, you're not of age yet. They will raise havoc and any means to win the custody over you. So hide.

Kaden:

That's ridiculous. I would never chose them over our family.

Ako:

Then hide and don't ever go out until Mom says so. Alam mo kung ano ka dumi ang side nila Daddy. Sigurado akong hindi lang silang dalawa ang nariyan.

Kaden:

Okay. Take care too, Ate.

Ako:

Always.

Magkasunod na malalim na hininga ang aking pinikawalan.

"Ee," tawag ni Mavy sa akin at minuwestra ang tanong nasa aking harapan.

Agad akong ngumiti sa customer. "Pasensya na po. Ano ulit order ninyo?"

Napakamot siya sa kanyang batok at namumula ang pisngi. "Monthsary namin ng girlfriend ko. Uh, gusto ko ng malaking bouquet ng rosas."

I smiled, relieved in some point. This job really keep me in track. Walang pakialam ang tao kung sino ako kundi kasiyahan lamang ang nasa isip nila. That should how the world revolves. Should.

"Uh, okay po." giniya ko siya sa pantry ng mga bulaklak. "Ito po ang mga bulaklak natin. Rosas ang gusto niyo pero baka may gusto kayong ipadagdag."

Pinasadahan niya ng tingin ang buong pantry. "Isang sunflower sa gitna. Maganda siguro iyon,"

Tumango ako. "I'll arrange it right away,"

Hide And Seek (A Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon