Chapter 17

20.9K 404 29
                                    

Chapter 17: Want


"Picture tayo, frenny. Bilis!"

Poses here and there with our classmates. Sa gitna ng stage kami hinila ni Jason kasama ang pamilya niya at ang akin. It is my first time meeting his parents and Ate.

"Uh, hello, Tita, Tito..." bati ko sa magulang niya.

Part of me assumed the hostility, but his Mom smiled at me.

"Jason told us about you, hija. Nice to finally meet you," marahan niyang sabi.

Ngumiti ako. "Nice to meet you po. Uh, this is my Mom,"

Binati siya ni Mommy bago pa suminggit si Jason na magpapicture na kami. And I noticed Kaden and Fidai is not here with us. Kanina ko pa binabalewala ang nanunuot na tingin ni Fidai at ito na, talagang nabalewala ko na.

"Uh, where's Kaden?" tanong ko.

Lahat ng tao ay abala sa sariling kasiyahan at kung saan saan na lang kaya mahirap hanapin sila.

"Nandito na," si Jason.

"Oh, Engineer. A pleasure to meet you here." gulat na bati ng ama ni Jason.

Pormal na kinamayan ni Fidai si Tito. Lumapit si Kaden sa akin at ngumisi ng malapad. I pouted and he laughed.

"Congratulations, Ate..." aniya at binigyan ako ng bouquet ng sorted flowers.

"Thanks, Kad."

"Likewise, sir." si Fidai.

"Boyfriend siya ng kaibigan ko, Dad. Sige na, picture na tayo." singgit ni Jason.

He's found an attendee so take pictures of us. My eyes drifted to Fidai when he handed me the big bouquet of sorted red flowers with a warm smile.

"Congratulations, darling." malamyos niyang saad.

I smiled sweetly. I think my heart just fell down on the floor from a higher ground.

Tumayo sa aking tabi si Fidai, nasa aking baywang ang kanyang kanang kamay. I felt the thrills that made my cheeks hot flushed. Si Mom ang nasa aking kanan at sa kanan naman niya ang pamilya ni Jason. Sa kaliwa ni Fidai, naroon si Kaden.

After our picture taking with Jason's family. Nagpapicture kami ng aking pamilya. The three of us hugged close and the second portrait is Fidai's with us. And lastly it's just me and Fidai. I already felt the attention towards us because I know some or a lot has recognized this man.

Tatlong shots, umalis na kami sa pwesto para ang iba naman ang makapagpicture roon.

"Frenny, magandang view dito. Doon kayo ni Engineer sa gitna." sigaw ni Jason na naunang lumabas.

Ewan ko ba kung alin ang gusto ko. Ang tahimik na Fidai katulad nito ngayon na iba ang katahimikan niya o iyong Fidai na malambing tuwing talkative.

Nonetheless, I think he's somehow taken aback. Hinila ko na siya roon sa direksyon na tinutukoy ni Jason. Kami pa lang ang tao sa parking lot kaya hindi makakahiyang magpapicture sa labas. There is a wide space in the road between car parking lanes and I pulled Fidai to the center.

Humugot ako ng malalim na hininga bago nag angat ng tingin kay Fidai. Naabutan ko siyang nakatingin pala sa akin. I promptly turn my gaze away but get it back to him again.

"Pagod ka na ba? Just a few clicks and we'll go..." marahan kong sabi.

Gumalaw ang kamay niya sa aking baywang. He heaved a deep inhale and I felt his lips on my cheek.

Hide And Seek (A Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon