Chapter 34: Anak
Matino pa ang pag-iisip ko sa gabing iyon. And now I am contemplating whether I should dress up or not.
"Sa'n lakad mo?"
Iyon ang unang tanong ni Kaden pagkababa ko sa sala. Umiinit tuloy ang aking pisngi. Inayos ko lang naman ang hanggang ibabaw ng balikat kong buhok, nagsuot ng drop armhole na low-cut back mini dress. Puti ang kulay nito at nag-compliment sa ginto kong leaf earrings.
"Dito lang." marahan kong sagot at pumasok na sa kusina.
"May lakad po kayo, Ma'am? Nag-sinigang ako at mamaya pa sana ito maluluto." si Manang Cecil.
Am I dressing too much?
"Hindi naman, Manang. Masarap po ang sinigang, gusto rin iyan ng kambal."
"Okay po. Nag-prito rin ako ng bacon tsaka cheese hotdogs para sa kanila."
Tumango naman ako at naghanda ng prutas para gawing smoothie. Galing sa sala, narinig ko na ang boses ni Jason at Bethany. They've been dropping by quite often, almost everyday to play with the twins while I'm working.
"Saan si Aiofe?" rinig kong tanong ni Bethany.
"Do'n."
"Ma'am, may tirang strawberry kahapon. Hindi ko lang binalik sa lalagyan. Ito," lahad ni Manang sa isang tray.
"Akala ko naubos na po. Ito ang gusto nilang smoothie,"
"Oo nga po, e. Nag-smoothie ako ng mangga tsaka saging. Hindi nila naubos." anito.
"Uy, are you going somewhere, Ee?" singgit ni Bethany galing sa likod.
Napairap na talaga ako sa kawalan bago ngumuso. I am just dressing like usual and for myself. Does it really look like I will go out today?
"No,"
She raised a brow at me and leaned on the countertop. "Oh? Really?"
I sighed. "Maybe I will go out today. But don't ask where and why."
Humalakhak siya. "If you found a man then I won't. But doubt that. Ayos lang kayo ni Fidai kagabi? Mukhang badtrip iyon nang umuwi tayo."
"Okay naman." tipid kong tugon.
"Maraming uri ang okay, Ee. You know what I mean."
"Okay na okay. We're... friends."
Humalakhak siya. "Friends kayo ng ex mo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Of course. Maybe."
Natatawang umiiling pa siya sa akin. Hinanda ko nalang ang smoothie ng kambal sa lamesa bago pumanhik sa playroom upang tawagin sila. As soon as they woke up kanina, they said they wanted to go to the playroom.
It's a bigger playroom than the once they have in California. Guest room kasi ito na ginawa na lang playroom kaya malaki. The toys from their Ninang and Lolas is on the shelves. Some are on the boxes, the ones they frequently use.
"Breakfast is ready," nakangisi kong tawag sa atensyon nila.
"I'm not hungry," si Tina at bumalik sa pagsusuklay ng barbie doll.
Pumasok ako sa silid at umupo sa soft furry mat sa sahig. Inabot ko ang hindi isang transformer na na-disassemble.
"But you need to eat, Tina."
"Later, Mama."
"No later. You need to eat now. Come on, Manang cooked sinigang, bacon and cheese hotdogs. It's your favorite breakfast." marahan kong sabi.
BINABASA MO ANG
Hide And Seek (A Series #4)
RomanceA Series #4 Beauty is on the eye of the beholder. Falling in love without assurance is like pushing yourself into a bottomless pit of dark hellhole. Iniisip mo na pwedeng tumayo kang mag-isa pagkatapos ng lahat pero ang bunga ay naghahanap ng kaniya...