Chapter 20

22.5K 458 101
                                    

Chapter 20: The Figueroas


Fidai:

Where are you?

Ako:

Palabas na ng hall. Maghahanap kami ni Jason ng restaurant sa malapit.

Fidai:

I can ask for a table for us here. It's a big banquet, darling.

Ako:

Enjoy the food, Augustine.

Fidai:

Gusto kong sumabay sa'yo. I'll enjoy it more.

Napangisi ako sa sinabi niya. Natapos na ang graduation ceremony at kasama siya sa banquet ng mga inimbitahang guest kaya aalis kami ni Jason upang maghanap ng restaurant. Hinaklit ni Jason sa akin ang kanyang braso habang naglalakad kami palabas ng venue.

Ako:

Live up to your childhood dream sometimes, Augustine. You're role playing as a teacher right now and your flock consists of other teachers and pretty students, serving you food.

"Frenny, may Mang Inasal." turo ni Jason.

Mainit ang paligid dahil tirik ang araw. It's a good thing I'm wearing a hat. Tumango ako kay Jason. May Mang Inasal at McDonalds dito sa malapit.

Patawid na kami ng daan nang nagvibrate ang aking cellphone para sa tawag rumehistro ang pangalan ni Fidai roon. We jogged to cross the road of passing cars before I answered his call.

"Hello, sir." I teased.

Magaspang na humalakhak siya sa kabilang linya. "Playing games, ain't we?"

"Ako na mag-order." mahinang sabi ni Jason.

Tumango ako sa kaibigan at naghanap ng bakanteng mauupuan.

"Ano po'ng sadya ng tawag ninyo, sir?"

Tumawa ulit siya. I heard him clicking his tongue. His background noise is obviously from the banquet.

"So, you're a hot and pretty student of mine, huh? Interesting."

"I'm the widowed and strict guidance counselor." I grinned.

"You're my student. Stop with the prank." halakhak. "Are you eating lunch now? Where?"

"Concern ang teacher, e. Pa-fall ka, sir? Akala ko patungkol sa klase ang tawag mo po."

"Nahulog ka na ba ulit sa akin?"

"Sorry, sir. Hindi ako pumapatol sa mga sugardaddy."

He grunted in the other line. "Darling, I'm at my mid twenties,"

Gusto kong tumawa ng malakas. I am having fun in this conversation. Narinig ko ang pagtawag sa kanya roon sa kabilang linya.

"Tinawag ka na. Ibababa ko na 'to,"

He frantically sighed. "Didiretso ako diyan pagkatapos ko rito. Saan kayo kumakain ngayon?"

"Sa Mang Inasal,.. sir." I chuckled lightly.

"Hmm. Let's see who gets punished later."

I grinned more. Butterflies in my stomach made me giggle. "Will it be severe?"

"Sir, hinahanap po kayo nila Engineer Flores." rinig kong sabi.

"One sec." aniya. "You'll find out when I see you, my dear student."

Humalakhak at bumungisngis na lamang. "Bye, sir. Happy lunch eating!"

"A kiss, please." pahabol niya pa.

Hide And Seek (A Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon