Chapter 6

26.1K 608 116
                                    

Chapter 6: For once


"Ate, sa'n si Mommy? May kailangan siyang pirmahan." bungad ni Kaden pagbalik ko sa living room.

"She's... She's talking to a friend, Kad. Mamaya na iyan, babalik din siya." mahinahon kong tugon.

Napansin ko ang panitig ni Fidai kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nanunuri ang kanyang tingin at hindi umiiwas. Ako na mismo ang bumaling sa ibang direksyon dahil hindi kayang magtagal sa pakikipagtitigan sa kanya.

"Kuya Fidai, paano ito? Hindi ko makuha, e." pangusisa ni Kaden.

"May mali sa analyzation mo. Bali ang kung three hours ang pagitan ng dalawang tao. Ten miles then 6 miles..." paliwanag ni Fidai habang gumagawa ng drawing.

Kaden nodded. "Oo nga. So... If the cyclist travels 10 miles per hour and start 3 hours after the first cylist who travels at 6 miles per hour..."

My younger brother seems enjoying this. Minsan iniisip ko na huwag na siyang mag aral ng lubos. All he do is study and study and I'm afraid it will suffocate him but he chose this so I'm giving my best to provide it for him.

"Four and a half hour ang nakalipas bago naka-catch up ang pangalawang cyclist." aniya.

"Yes, that's correct."

Mahinang humalakhak si Kaden.

"Ito. Madali lang. Warm up ulit." si Fidai at may sinulat sa bondpaper.

Tumaas ang aking leeg upang matingnan ang kanyang penmanship. Bahagyang umawang ang aking labi nang nakita ito. It's so neat and clean. Ang stroke ng kanyang sulat-kamay ay tila tina-type.

"If 5x + 8y = 67 and 2x - y = 31. Find x + y, Kad."

Tumingala si Kaden at may sinasabing hindi maririnig.

"You can write it." marahan na dagdag ni Fidai.

Tila isa akong surveillance camera na ino-obserbahan lang ang kanilang ginawa.

"Fourteen."

"Ang bilis," halakhak ni Fidai.

Kaden grinned. "I'll give you a problem too, Kuya Fidai."

Inabot ko ang baso ng juice at sumimsim doon. Now Kaden is challenging Fidai.

"2x + 3y = 8 and 3x + 5y = 13."

Fidai twitch his lips a bit. "Three."

Kumurap si Kaden at nagsusulat upang maisolba ang problem na iyon. Umawang ang kanyang labi.

"Wow."

Humalakhak ng mababa si Fidai at ginulo ng bahagya ang buhok ni Kaden.

"It's just basic finding x + y, Kaden. You'll master it sooner. Now, let's continue." aniya.

Tumayo na lamang ako dahil hindi pa nakabalik si Mommy, ilang minuto na ang nakalipas. Napatingin ako sa bintana sa tabi ng aming nakasirado na main door. Nakatayo lamang si Mommy malapit sa fountain ngunit wala na si Tita Mitchell.

Napasandal ako sa dingding. I want to go out and approach Mommy but she looked so down and in deep thought while caressing the bracelet on her wrist, the first gift Daddy gave her. Humugot ako ng malalim na hininga.

A lot happened and a lot has changed. The home I always go back to is different because someone is missing and Mom tried to fill the gaps with all her might.

Kusang namumuo ang luha sa aking mata kaya sinandal ko rin ang aking ulo sa dingding saka tumingala. Ngunit kumawala ang luha sa aking mga mata.

Losing someone is very painful. At tama sila, the ones left are those who grieves great pain than those who parted. Losing someone is a very long recovery process. Some recovers fast, some tends to pretend and some never truly recovers.

Hide And Seek (A Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon