Chapter 35: Katapat
"You're crying," puna ni Austin at pinunasan ang aking luha.
Naiiyak ako sa nangyayari. Fidai is looking at us intently and my heart is palpitating. All my pulses are beating. Hindi ko alam ang gagawin. Pero ito na, their father is here and probably so angry at me so much.
His silence speaks a volume.
"Mama, your friend is here. He brought you flowers," nakangiting sabi ni Tina.
Kinagat ko ang aking labi at bumaling kay Fidai. His neck corded and moved his clenched jaw. Tila nagtitimpi talaga siya at pinigilan ang sarili na magsalita. Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang aking luha bago ngumiti sa kanila.
"Baby, I'll talk to him first, okay?" marahan kong sabi sa mga anak.
Mabilis na nagtutulakan sila Mommy.
"Halika, apo..." si Tita Kristen ang nagsalita.
Kinuha nila ang kambal at dinala sa kusina. Si Bethany naman ang kumuha sa dala kong cake bago kami naiwan ni Fidai sa living room.
Sobrang tahimik na nakakakaba. Umupo ako sa parehong couch ngunit malayo sa kanya. Lumunok ako ng pang-ilang beses na.
"W-Why are you here?" kabado kong tanong.
Iritado siyang tumingin sa akin. "Iyan lang ang sasabihin mo?"
Mabilis akong umiling. Mahigpit kong pinagtabi ang aking mga kamay at pinisil pisil sa pinaghalong kaba at takot.
"You met the twins..." pumikit ako. "They are your kids."
"Fuck!" malutong niyang mura.
"I was ready pregnant when we left, doon ko lang nalalaman--"
"And you didn't bother to tell me about it?!" singhal niya na puno ng hinanakit.
Bigo kong binaba ang aking tingin. "I'm sorry,"
"You're always sorry! Kung hindi ako napunta rito, hindi mo ba sasabihin sa akin ang tungkol sa kanila? Ano ba ang pagkukulang ko para gan'tuhin mo?!"
Tumulo ang aking luha. "Sasabihin ko naman talaga sa'yo ito. Ipapakilala ko sila sa'yo kaya kami umuwi."
"When? You can't even look at me like you're disgusted by me." he spat.
Buong tapang akong tumingin sa kanya. "Sa tamang panahon, sasabihin ko. At hindi ko sinabi agad dahil natakot ako na hindi mo sila tatanggapin!"
"They are my flesh and blood! I will accept them if you should've just told me! Nagmukha akong tanga." aniya. "I heard the employees' talks that you have a son and a daughter so it pushed me to win you again. Nilunok ko ang pagtatampo ko sa'yo! Only to find out that I was jealous against my own kids!"
Halos dumudugo na ang aking labi sa pagkakagat ko nito. Patuloy na umaagos ang aking luha. I know I was wrong, I admit that. But I was only protecting my kids and myself from the best way I can.
Tumayo siya at napahilamos sa mukha. He puffed air into the atmosphere and shook his head. Namumula na ang kanyang leeg at mas lalong namumula rin ang kanyang mga mata. Umigting muli ang kanyang panga.
"I'm sorry..."
"Three years... Three years akong walang alam na may anak tayo. Ganyan ba talaga ka-lala ang galit mo sa akin?" puno ng pagsusumamo niyang tanong.
I shook my head. "No..."
Napahilamos muli siya sa kanyang mukha. "What's my twins' name?"
Suminghot ako at nagpunas ng luha.
BINABASA MO ANG
Hide And Seek (A Series #4)
RomansA Series #4 Beauty is on the eye of the beholder. Falling in love without assurance is like pushing yourself into a bottomless pit of dark hellhole. Iniisip mo na pwedeng tumayo kang mag-isa pagkatapos ng lahat pero ang bunga ay naghahanap ng kaniya...