Kabanata 28

8K 258 216
                                    

Kakabangon ko lang mula sa pagkakagising nang mapatakbo ako patungo sa banyo. Agad akong humawak sa sink at sumuka. Halos maiyak-iyak ako habang dumuduwal. Sobrang sakit din ng tiyan ko. Dahil siguro ito sa nakain kong talaba kagabi.

Jill bought talaba last night. I don't what's came over her and she bought it. Ayon ang inulam namin kagabi. Sinikmura ata ako ngayon dahil doon.

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Sobrang pula ng pisngi at labi ko. Napahawak ako sa aking leeg at naramdaman na ang init ko. Kinapa ko rin ang noo ko. May lagnat ako!

Huling araw na namin para sa internship tapos nagkaroon pa ako ng lagnat. Hindi bale, iinom na lang siguro ako ng gamot. Huling araw naman na. Hindi naman ako nanghihina rin.

Naligo na lang ako at nagbihis para sa pagpasok. Tinignan ko ang cellphone kong punong-puno na naman ng mensahe ni Corvan. Nag-reply lang ako sa mga iyon ng aalis na ako para pumasok.

Gusto niya akong ihatid pero may trabaho naman siya. Nauuna ang pasok niya kaysa sa akin.

Habang naka-duty, maayos naman ang pakiramdam ko pero sobrang init ko pa rin talaga. Hindi naman ako nahihilo o nanghihina. Dahil nga siguro ito sa kinain namin na talaba. Gabi na kasi ay kumain pa kami.

"Ayos ka lang?" tanong ni Epoy habang nakatingin sa akin.

"Ang pula mo ngayon. Morena ka pero kitang-kita pa rin ang pamumula ng pisngi mo," sabi ni Adis.

Hindi ko naman masabi na baka allergic ako roon sa talaba. Kasi kumakain na ako noon. Atsaka bakit umaga na lilitaw ang sintomas?

"Ayos lang naman. Sa init lang siguro," sabi ko na lang.

"Saan kayo magtatrabaho pag-graduate niyo? I'm planning to be a forensic photographer," sabi ni Kia.

"Police patrol," sabay namin sinabi ni Epoy.

"Court peace officer," sabi ni Adis.

Tumango ako. Iba-iba rin pala kami ng gusto. Noong breaktime namin ay tumawag sa akin si Corvan na nasa labas daw siya. Kaya agad ko siyang nilabas at naabutan siyang may hawak na isang paper bag.

"I brought you lunch," he said.

He's still in his office uniform, minus the coat. Looking so fresh. Kinuha ko sa kanya ang inaabot niyang paper bag.

Yumuko siya at ginawaran ako ng isang halik sa labi. Napalayo ako sa kanya at napatingin sa paligid, medyo nahihiya dahil sa pagpapakita niya ng affection in public.

"Your lips is very red. It's tempting me to kiss it," he chuckled.

Magsasalita na sana ako noong bigla kong masinghot ang amoy niya.

"Ang baho mo!" I crinkled my nose.

Corvan looked at me with shocked expression. Inamoy niya ang kanyang sarili. Hindi naman siya mabaho talaga, ayoko lang nang amoy ng pabango niya ngayon.

"I changed my perfume last night. Hindi mo ba gusto ang amoy?" tanong niya.

"Hindi! Ang sakit sa ilong! Kaya huwag kang lalapit sa akin!" banta ko.

He looked at me with helpless expression on his face. "But I want to hug you."

"Masakit talaga sa ilong ang amoy, Corvan. Huwag ka munang makulit," sabi ko.

Sinilip ko iyong laman ng paper bag. Ang dami na naman niyang binili na pagkain para sa akin. Hindi ko ito nauubos kaya binibigyan ko na sina Adis.

"You can cover your nose," suhestyon niya.

Binalik ko ang tingin sa kanya. "Didikit naman sa akin iyong amoy mo!"

Beyond The Darkness (Levrés Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon