Kabanata 23

6.9K 221 59
                                    

Napahinto ako noong makita ang lamesa sa bahay ni Lolo. Pumasok agad sa isip ko na makikita ko siya roon. Nagkakape o kumakain. Pero malamig na hangin lang ang sumalubong sa akin. Hindi ang init ng kanyang mga ngiti.

I don't ask for much in this world. I just want to graduate, to pass a board exam, to be a policewoman so my Lolo can be happy and proud of me. Kaligtasan niya. Mabuting kalusugan niya. At simpleng buhay kasama ang mga taong mahal ko.

I don't ask for much. I didn't ask for much! Pero bakit sobra ang kinuha sa akin?!

Bakit kailangan siya pa ang mawala? Bakit ba lahat na lang pinagkakait sa akin? Bakit hindi siya pinagpaliban?

Hindi ko lubos maisip na kapag umuwi ako rito, hindi ko siya madadatnan. Hindi ko na siya mayayakap. Hindi ko na masasabi sa kanya ang mga nangyari sa buhay ko. Hindi ko na maipagmamalaki ang mga grado ko. Hindi ko na siya makakasama sa mga darating na pasko at bagong taon.

He won't be there to my graduation and won't be there to celebrate and enjoy the other huge milestones in my life.

Lumapit ako sa lamesa na iyon at umupo. Nasa morgue na ngayon si Lolo. Ayoko sana umuwi pero pinilit nila ako dahil gabi na.

Gusto ni Jill na roon ako matulog sa kanila, o kaya ay sasamahan niya ako rito sa bahay, pero hindi ako pumayag. Gusto kong mapag-isa.

Alam ko dapat inaasikaso ko na iyong gagawin pagburol ni Lolo, pero hindi ko kasi kaya. Hindi ko kayang makita na wala na siyang buhay. Hindi pa rin matanggap ng utak ko. Kahit ilang beses ko ng naririnig ang condolence. Kahit ilang beses ko ng naririnig na patay na siya. Parang hindi ko naiintindihan ang mga salitang iyan.

Nagtulong na lang si Aling Verly at Tita Deth para mag-asikaso noon. Umiyak si Aling Verly sa akin noong matagpuan niya ako sa ospital. Pero hindi pa rin ako umiyak. Hindi ako maiyak. Walang lumalabas.

"Daphne..."

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Corvan. I stared at him in silence. Medyo hingal siya habang lumalapit sa akin. There's a pain and grief in his eyes.

Agad niya akong niyakap noong makalapit sa akin. Naramdaman ko ang medyo panginginig ng katawan niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pinipigilan niyang galit o dahil takot siya.

"I'm sorry. I am so sorry. I wasn't here to protect you. I am sorry," he said with so much misery.

Hindi ako kumibo. Pero unti-unti ko ng nararamdaman ang kirot sa aking puso.

"I promise to myself that I'm gonna shield you from the violence and cruelty of this world. But I failed.l that promise. I'm sorry. I really am sorry."

Humiwalay siya sa akin at pinantay ang mukha niya sa mukha ko. Tapos arahan niyang hinawakan ang mukha ko.

"I'm here, Daphne. I love you. I know loving you can't cure your sadness, but I'm here. I will light up the rooms that are too dark for you to see a way out of it. I'm here. I will never leave you."

Naramdaman ko ang pamamasa ng pisngi ko. Mas dumoble ang nakikita kong sakit sa kanyang mga mata. Naramdaman ko na ang sunod-sunod na patak ng aking luha.

He hugged me. Then I allowed myself to crumble. To break down. I let it all out. Like a hurricane, it flew out of me.

Every pain I've felt in the past. Every hardships. Every suffering. Every harsh word ever thrown at me. This pain that I'm feeling. Losing the most important person in my life. I cried in his arms. I cried and cried until I can't cry anymore.

Dahil sa pagod sa lahat ng mga nangyari, nakatulog ako habang nakayakap kay Corvan.

Naalimpungatan ako noong makaramdam ng gutom. Natagpuan ko ang sarili na nasa sa aking kwarto na. Nasa tabi ko ang natutulog na si Corvan. Maliit lang itong papag ko. Nakadiretso ako ng higa at nakatagilid siya habang natutulog. Kapag tumihiya siya, malamang ay mahuhulog siya.

Beyond The Darkness (Levrés Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon