Kabanata 24

7.1K 224 44
                                    

"I caught the bastard."

Huminto ako sa paghuhugas ng plato at nilingon si Corvan. Hindi ko malaman kung ano ang ekspresyon na pinapakita niya.

"My men caught him, Daphne."

Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang buong katawan ko noong ma-realize kung sino iyong tinutukoy niya. Bumagsak sa sink iyong mga hawak kong kutsara.

Nagmadali akong makalapit sa kanya at nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang damit niya.

"I want him to rot in jail, Corvan!" I said with trembling voice.

Hinawakan niya ang kamay kong mahigpit na nakakapit sa kanyang damit. I was trembling. In relief, because he was caught. In sadness, anger, and hatred. Pero mas nangingibabaw ang galit.

"Yes. He will be imprisoned and he will rot. I promise you he will rot in jail, Daphne," he kissed my forehead. "Not just in jail. In hell too."

Hindi ko na naiwasan ang mapaiyak. Dahil sa pagtanggi ko sa nangyari kay Lolo, hindi ko na gaano nabigyan ng pansin si Glenn at iyong kasalanan nitong nagawa sa akin.

Ngayon sinabi niyang nahuli na nila ito, at unti-unti ko ng natatanggap ang pagkawala ni Lolo, bumalik sa akin ang lahat ng mga kahayupan nito.

I might avoiding to think about him, but that guy didn't left my mind. No matter how hard I tried not to think about him. Pilit ko itong iwinawaglit sa aking isipan dahil ayoko ngang maisip na nawala na si Lolo.

May mga araw na hindi ako nakakatulog ng maayos dahil bumabalik sa alaala ko ang ginawa nito sa akin.

Isang beses may humawak sa braso ko na isang customer, agad akong napaiwas dahil naalala ko iyong mahigpit niyang paghawak sa akin. Pinipigilan ako makawala habang sumusubok ng halik sa akin.

Kaya kapag may hahawak sa akin na kahit wala namang malisya, agad akong napapalayo at napapaiwas.

At kapag nakakakita ako ng kulay pula, o mga dugo man lang siya baboy o ano, bumabalik sa akin iyong dugo ni Lolo na nagkalat sa kanyang dibdib at aking kamay. Lagi ko rin napapaginipan ang pagsaksak nito sa kanya.

It was hell. And I don't know what did I do to deserve that hell.

But now, it feels like that hell will now end. Dahil nahuli na siya. Magbabayad na siya ngayon. Magdurusa na siya sa kulungan. At hindi na siya makakalabas pa roon!

Corvan wiped my tears. "Pupunta ako ngayon doon. I want you to stay here."

I nodded understandingly. I don't want to see him anyway. If I saw him, I might get that nightmares again.

"Leave everything to me."

I looked up at him. There's a dangerous glint in his eyes. It might not directed to me, but it gave me chills. I can also sense his violence and it made me tremble a bit.

"Okay."

Habang naghihintay kay Corvan, inabala ko na lang ang sarili sa trabaho. Pero paminsan-minsan ay hindi ako mapakali kakaisip sa kanya. At kung ano na ang nangyayari roon.

Nagte-text lang kasi siya sa akin na magiging maayos din ang lahat. At huwag na akong mag-aalala pa. Pero mas lalo akong nag-aalala!

Jill:

Daphne, nasa lupain ng mga Kertia iyong demonyo.

Hindi niya pa naipapakulong? Mas lalo akong nabalisa dahil sa sinabi ni Jill. What's taking him so long? He just needs to put the devil in jail. That's it!

Jill:

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila roon. Pero pakiramdam ko, wala na siyang buhay na lalabas doon.

Beyond The Darkness (Levrés Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon