"Itabi mo na iyan, Daphne. Bilin din talaga sa akin ni Beryo na kapag nawala siya, ibenta ko lahat ng alaga niyang hayop at iyong pera, ibigay ko sa iyo lahat," sabi ni Aling Verly.
Dahil sa pagmamadali kong makaalis, hindi ko na rin naalala ang mga alaga ni Lolo na hayop.
Binenta na ito ni Aling Verly at binigay na niya sa akin ang lahat ng napagbentahan. Ayaw ko sanang tanggapin kaso sino naman ang hahawak nito? Ayaw ni Aling Verly dahil pera ko raw ito.
I actually thought to use it for my mother. But Ate Malou said it's already too late for treatment. So, I'll just use it to pay for my tuition fee. Because I think, I was already fired from my job. And I need to finish my study. No matter what happen.
"Ayaw talaga ni Lolo mo na magtrabaho ka kaso matigas daw ang ulo mo," ngumiti siya.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo."
She smiled ruefully. I know she's still sad about the death of my Lolo. Hindi ko rin agad naisip na nahihirapan din siya pala sa pagkawala nito. Hindi ko man lang siya nadamayan.
"Magpalakas po kayo ha?"
"Ikaw ang magpakatatag, Daphne. Kakamatay lang ng Lolo mo, ngayon, nangyari naman ito sa nanay mo," sabi niya.
Tumango lang ako. Minsan naiisip ko na lang humingi ng pasensya sa sarili ko. Para sa mga bagay na hindi ko naman ginustong mangyari sa akin.
Pagpunta namin ng ospital, nakita ko ulit doon ang Tito ni Corvan. And surprisingly, my mother was awake. They were holding each other hand. And she looked at peace.
Nilapag ni Corvan ang dala niyang paper bag sa isang lamesa. Nakatayo naman ako sa paanan ni Nanay. Kahit nakatingin siya kay Tito Barry, hindi niya ako pinapaalis! Kahit alam niyang nandito ulit ako.
"See you later, Yolly," Tito Barry said.
My mother smiled genuinely at him.
She looked at Corvan and then me. And then she closed her eyes. The line was flat.Sa sobrang gulat ko, hindi agad narehistro ng utak ko ang nangyari. Ilang minuto akong nakatulala sa walang buhay niyang katawan. Hindi alam ang unang gagawin. Niyakap ako ni Corvan habang tulala pa rin.
When I realized that's she's dead, that I will never see her again I melt down. Napahagulgol ako ng iyak habang yakap-yakap ni Corvan.
It's unfair.
She didn't even say sorry. She didn't even ask for my forgiveness and yet I forgive her already!
I forgave her long ago. She might not have loved me but I loved her. I still do. Good or bad we have to play the hand we are given.
I tried not to care, I always did. But my heart is so different than hers. I won't act like many say I should. Cold and not forgiving. I must act the way my heart feels. She is my mother.
Even though she wasn't a good mother to me, she owns a part of me. Her being dead means something in me died too.
Everything happened so fast. Isang araw lang binurol si Nanay at nilibing na siya agad. Si Tito Barry ang nag-asikaso lahat. Hinayaan ko naman siya dahil hiniling niya iyon sa akin.
Marami ang nakisimpatya sa akin. Dahil sa mga nangyari. At sa kaalaman na ulila na ako. Mag-isa na lang.
"You still have me. Hindi ako mawawala sa iyo..." bulong ni Corvan.
But I'm not alone.
Bumalik na kami ng Maynila dahil simula na ulit ng pasok ko. Sinubukan kong maging normal ulit kagaya ng dati.
![](https://img.wattpad.com/cover/55262921-288-k465696.jpg)
BINABASA MO ANG
Beyond The Darkness (Levrés Series #5)
Fiksi UmumBata pa lang si Claudia Daphne Alejo ay marami na siyang hirap na naranasan. Paghihirap sa magulang, paghihirap sa ibang tao, at paghihirap para sa sarili. Daig pa niya ang bulag dahil puro kadiliman na lang ang nakikita niya. Pero lahat ng paghihir...