Kabanata 20

8K 256 169
                                    

"Ang sarap tangina! Dito lang siya nag-aaral sa university natin, hindi ba?" sabi ni Adis.

Pinagkakaguluhan nila iyong picture ng lalaking gwapo na may takip lang ng dahon iyong ari niya. A tourism student.

Hinatid ako ni Corvan dito bago pumasok sa trabaho. Her mother didn't say anything anymore. Maybe because Corvan is there. Nauna lang itong umalis sa amin. Hihintayin na lang daw niya si Corvan sa kumpanya nila.

"Ano iyan mga be?" sabi ni Epoy at lumapit sa pwesto namin.

Kakatapos lang nila kumuha ni Jill ng class cards. Since, their last name starts with letter S. Kami nina Kia ay nauuna ang apelyido. Pinakita nila iyong picture kay Epoy.

"Ang bastos naman nito!"

Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ganoon din sina Via.

"Bakit tinakpan ng dahon?!" dagdag niya.

"May bago na ulit akong pangarap!" malakas na sinabi ni Jill.

"Ano na naman bagong pangarap mo?" tanong ni Kia.

"Huwag mong sabihin na pangarap mong maging dahon?" sabi ko.

She grinned at me. I shook my head in disbelief. I stood up. Since, we are all finish here, I'm going home now.

Sumunod naman sila. Pinagkakaguluhan pa rin iyong picture. Maganda naman ang katawan niya. But compared it to the body of Corvan, and his other cousins before, he will look like a stick.

"Inom tayo sa day off ni Daphne ha! Celebrate tayo dahil matataas marka natin!" sabi ni Adis.

Naipakita ko kaagad kay Lolo ang mga marka ko. Puro uno. Ako ulit ang nangunguna sa aming departamento. Masaya siya. Kaya ayos na iyon sa akin.

Paglabas namin ay nakita ko ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko rito.

"Tita Elena?" It's Dylan mother.

My lips parted in shocked when she suddenly slapped me. Epoy immediately shielded me from her. Lumapit din sa akin si Jill at kumapit sa braso ko.

"It's your fault!" galit na sinabi ni Tita Elena.

Namumula ang mata niya at maputla siya. Pumayat din siya. Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata niya.

"It's your fault that my son tried to kill himself!"

Mas lalo akong nagulat dahil sa sinabi niya. Nagpakamatay si Dylan?

"Po?"

"He's now in the hospital! Comatose! Walang kasiguraduhan kung magigising pa ba! And it's your fault!"

Patuloy na tumutulo ang mga luha sa mata niya. Nagpakamatay talaga si Dylan? At dahil iyon sa akin?

"Kung hindi mo siya hiniwalayan, edi sana hindi siya magpapakamatay! He begged for his chance! He begged! Yet you didn't give him a chance! Kasalanan mo ito!"

Sinubukan niya akong lapitan para masaktan ulit. Pinigilan lang siya ni Adis at Kia na makalapit sa akin.

"It's your fault! It's your fault!" she was crying hysterically.

Nakatulala naman ako sa kanya. Hindi alam ang gagawin at sasabihin. No matter how much I hates the person, I still won't wish for them to die.

But is it too much to blame it on me? Or is it really my fault?

We broke up a year ago. Hindi niya alam ang pag-alis ko noon. Kinukulit niya pa rin ako pero ilang beses ko naman na sinabi sa kanya na wala na kami.

Beyond The Darkness (Levrés Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon