Dinala ako ni Corvan sa Ente. Maggagabi na pero maliwanag pa naman sa daan. Tahimik lang ako habang kasama siya. Hindi pa rin gaano makapaniwala na nandito siya. Umuwi siya rito dahil kaarawan ko.
Pinagmasdan ko ang tanawin. Kita pa ang araw mula rito pero malapit na siya maglaho. Guminhawa agad ang pakiramdam ko. Dahil sa magandang tanawin, at dahil na rin siguro na nandito siya kasama ko.
Nilingon ko si Corvan noong makarinig ako ng tugtog mula sa cellphone niya. Lumapit siya sa akin at nilahad niya ang kamay sa harapan ko.
"Pwede ba kitang isayaw?"
Tinitigan ko siya. Ano na naman kaya pinaplano nito?
"Anong klaseng sayaw ba? Hiphop? Sexy dance?" tanong ko.
He only chuckled. Kinuha na lang niya iyong kamay ko at nilagay sa kanyang balikat. Hinapit niya naman ako sa baywang para mas mapalapit sa kanya.
Slowly, we started to sway left and right. The song, can you feel the love tonight was playing in the background.
"I will be your first and last dance," sabi niya.
Nagkatitigan kaming dalawa. Nasisinagan ng papalubog na araw ang mukha niya. Doon ko lang ulit napuna kung gaano nga ba siya kagwapo. Lalo na ngayon. At habang tumatagal.
Niyakap niya ako. Nilagay ko naman ang ulo ko sa kanyang dibdib. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng kanyang puso. My heart try to go with the same rhythm of his heart.
We continued to dance until the music stop. Medyo madilim na rin sa paligid dahil lumubog na ang araw. Pero makulay pa rin ang kalangitan.
Huminto rin kami sa pagsasayaw. Medyo humiwalay siya sa akin at may inilabas siyang isang maliit na box mula sa kanyang bulsa.
"Ano iyan? Magpo-propose ka na?"
"Not now. But in the future. You have to reach your dreams first. So, don't be excited and just wait," he chuckled.
Binuksan niya iyong box at kinuha iyong laman. It's a necklace. A shaped moon necklace with tiny diamonds on its pendant. My lips parted. It's so beautiful! Pero pakiramdam ko, mahal ang kwintas na ito!
"You said I remind you of the sun. To me, you're a moon. You're like the moon in the dark of the night. You shine as bright as the moon despite all the flaws you think you have."
Lumapit siya sa akin. Sinuot niya sa akin iyong kwintas. Hinawakan ko ito habang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Tinignan ko siyang nakatingin sa akin habang namumungay ang mga mata.
Suddenly all the trauma and darkness felt like it had a purpose. I didn't realize it's all leading me to him.
Hinaplos niya ang mukha ko. Marahan at magaan. Napapikit ako para damhin iyon.
"I was light and you're the dark. But you're a darkness I could get used to," he said.
"Pwede ko ba ito isangla?" sabi ko.
"It's yours. You can do whatever you want with it."
"Joke lang. Hindi ko ito isasangla o ibebenta. Bigay mo ito eh," ngumiti ako sa kanya.
Hinampas ko siya noong nakawan niya ako ng halik sa labi. Tumawa lang siya.
Lumubog man ang araw at naghari na ang kadiliman sa paligid, nananatili naman maliwanag ang nakikita ko dahil sa kanya.
Bumalik din si Corvan ng Maynila kinabukasan. May pasok pa pala siya at umuwi lang talaga siya rito dahil kaarawan ko! Dahil gusto niya ako makasama sa araw na ito at para raw maibigay sa akin iyong regalo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/55262921-288-k465696.jpg)
BINABASA MO ANG
Beyond The Darkness (Levrés Series #5)
General FictionBata pa lang si Claudia Daphne Alejo ay marami na siyang hirap na naranasan. Paghihirap sa magulang, paghihirap sa ibang tao, at paghihirap para sa sarili. Daig pa niya ang bulag dahil puro kadiliman na lang ang nakikita niya. Pero lahat ng paghihir...