Some days, during the deepest, darkest parts of our suffering, love feels far. Maybe too far to hold. I have had days when it felt like love was a joke. Like it was some distant thing that was meant for something, someone else.
Pero may isang bagay na tungkol sa pag-ibig ang palaging gumugulat sa akin. Hindi ito tuluyang nawawala. Kahit na tingin mo ay parang nawala na. Kahit na huminto ka na sa paniniwala. Nandiyan lang ito. Waiting for you to come back around.
Naintindihan ko ang mga ito habang bumibisita ako sa madidilim na lugar. Sa madidilim kong nakaraan. And on my dark days of healing, I am surprised when I learn love, or warmth, or some type of light has taken a little, tiny step closer to me.
Sometimes there are extremely subtle movements, but it is movement nonetheless.
On the hardest days, I try hard to remember this. I try to find comfort in balance. That if something can hurt us so much that must mean something else can heal us so well too.
Oo. Hindi mawawala ang dilim. Pero huwag din natin kalimutan na hindi rin nawawala ang liwanag. Just like the moon, in every single phase, you have light and you have dark days.
"What did you do, Daphne?" mahinahon na tanong ni Corvan.
Tumigil ako sa pagbabaliktad ng pinipritong manok at iritadong humarap sa kanya.
"Ano? Wala akong ginawang masama," sabi ko.
Binalik ko ang tingin sa niluluto. Nandito kami ngayon sa mansyon nina Corvan sa Makati. Inaya ulit ako ni Corvan pumunta.
Unang punta ko rito ay iyong birthday ng kanyang Lolo. Iyong mga sumunod na araw ay naisipan niya lang akong ayain para ilibot. Walang tao sa mansyon kung hindi puro kasambahay lang nila dahil wala naman gaanong nagpupunta rin dito. Isa lang ito sa mga mansyon nila na pang-display lang.
Ngayon, inaya ulit ako rito ni Corvan. Thinking we were alone again but I was wrong. Sheena, Rajak, Moran and his mother are here.
You could imagine the shock on his mother's face when she saw me. I mean, what's so shocking, right? Dadalhin talaga ako rito ni Corvan dahil magkarelasyon kami. O siguro, naniniwala pa rin siyang hindi seryoso si Corvan sa akin.
"Then why is she crying?"
"Natalsikan lang ng kaunting mantika, umiyak na! Tapos magagalit sa akin kasi sinadya ko raw? Kung hindi ba naman may sira ang ulo," sabi ko.
Medyo nasanay na akong magluto rito. Ayaw ni Corvan pero pinilit ko lang siya. Ayaw kong walang gawin dito kasi nakakahiya rin.
Naabutan ako ni Sheena na nagluluto rito. At dahil wala si Corvan dito dahil sinalubong ang kanyang ina, nilapitan niya ako at pinagmalditahan na naman. Kung anu-ano na naman sinabi na hindi ko na lang pinansin.
Tumabi siya sa akin no'n kaya naging malapit din siya sa kawali. Kaya ayun, natalsikan tuloy siya. Kaunti lang naman. Parang kagat lang ng langgam iyong talsik ng mantika tapos nag-hysterical na siya. Akala ko nga iyong nanay niya ang susugod sa akin. Si Corvan pala.
Corvan laughed quietly. Lumapit siya sa akin at sumandal malapit sa sink. Dinudungaw ang mukha ko.
"Kung sasadyain ko, ibubuhos ko sa kanya itong kumukulong mantika! Masyado lang maarte iyang ex mo," umirap ako.
"She's not my ex."
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa ginagawa. Malakas na pumutok iyong manok sa kawali. Nagtalsikan ang mantika dahil doon. Napaigtad ako nang may muntik ng tumama sa aking mata.
"Ako na ang magpiprito, Daphne," mabilis na inagaw sa akin ni Corvan iyong sianse.
Gumilid na lang ako at hinayaan siya. Napalingon ako noong may biglang pumasok dito. Nakita ko si Moran na dumiretso sa ref para kumuha ng bottled water. He glanced at me. He nodded a bit then he left.
![](https://img.wattpad.com/cover/55262921-288-k465696.jpg)
BINABASA MO ANG
Beyond The Darkness (Levrés Series #5)
Ficción GeneralBata pa lang si Claudia Daphne Alejo ay marami na siyang hirap na naranasan. Paghihirap sa magulang, paghihirap sa ibang tao, at paghihirap para sa sarili. Daig pa niya ang bulag dahil puro kadiliman na lang ang nakikita niya. Pero lahat ng paghihir...