Kabanata 21

6.8K 225 83
                                    

Natawagan na ako ni Dennis kaya naman kasama ko na siya ngayon, naglalakad patungo sa kwarto na kinalalagyan ni Dylan.

Nakarating din kami sa kanyang kwarto. Bumungad sa akin ang nakahigang si Dylan. Nalula ako sa dami ng aparatong nandito. At nakakabit sa kanya. Catheter, parenteral nutrition, etc. His room is really for a person who's in coma.

I was a bit shocked to see him. He was so thin. He was very pale and there's a bag under his eyes. Ang laki ng pinagbago ng itsura niya! Sobra ang binagsak ng kanyang katawan. Puro galos at sugat din ang kanyang mukha at katawan.

"Binunggo niya ang kanyang sasakyan sa isang puno," sabi ni Dennis. "He called my mother and said that he will kill himself."

Naramdaman ko na naman ang guilt sa aking kaloob-looban. Mangyayari kaya ito kung hindi ko siya hiniwalayan?

"He was out of his mind," umiling-iling siya.

But I had enough suffering. I don't want to suffer anymore. Especially in his hands.

Kaya kahit nakakaramdam ako ng guilt ngayon, hindi ako magsisisi na hiniwalayan ko siya. Hindi ko siya mahal at hindi ko mapapalampas ang ginawa niya sa akin para manatili pa ako sa kanya.

"Sorry," sabi ko. "Pasensya na sa inyong lahat."

I'll pray for him. Na sana bumuti na ang kalagayan niya at magising na siya. That's the only thing I can do right now.

"Don't be. It's not your fault," sabi ni Dennis.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago nagpasyang umuwi na. Hinatid lang ako ni Dennis hanggang sa labas dahil walang maiiwan na bantay sa kapatid niya kung ihahatid niya pa ako pauwi.

Pagdating sa aming apartment ay nagsimula na akong mag-impake ng mga damit. Ngayon kami uuwi ni Jill sa Tuguegarao. Nakita ko na si Dylan kaya pwede na ako umalis. Pumayag na rin naman ang aking manager sa hinihingi kong leave.

Mananatili si Jill roon ng buong bakasyon kaya mag-isa lang akong babalik dito sa apartment.

Pinuntahan ko si Jill sa kanyang kwarto at nakitang natutulog pa siya. I patted her shoulder to wake her up.

"Jill! Gumising ka na at mag-impake! Alis na tayo! Ayokong gabihin tayo!" sabi ko.

Kahit na mag-e-eroplano naman kami kaya mabilis lang kami makakarating doon, ayoko pa rin dumating kami roon ng gabi na.

"Nakapag-impake na ako," bulong niya habang bumabangon.

"Maligo ka na at mag-ayos," sabi ko at iniwan na siya roon.

Noong paalis na kami ay nag-text na lang ako kay Corvan. Gusto niya kami ihatid pero hindi na ako pumayag. May trabaho pa siya. Mas kailangan niya unahin iyon.

At isa pa, bibisita naman daw siya sa Linggo rito. Kaya magkikita rin naman kami.

Namili muna kami ni Jill ng mga pasalubong bago nagtungo sa airport. Nagbabalak din pala bumisita si Epoy sa Tuguegarao. Baka sa susunod na araw, susunod na rin siya. May inaasikaso pa kasi siya sa kanila.

"Anong nangyari sa pagbisita mo kay Dylan?" tanong ni Jill noong nasa eroplano na kami.

"Wala naman. Malaki lang ang pinagbago ng itsura niya."

"Shabu pala ang tinitira ng mga iyan! Kasama niya iyong mga batang hamog sa bayan ng Caggay!" sabi niya.

I don't know what pushes him to do that. Mahal naman siya ng kanyang pamilya. Wala rin silang problema sa pera. Maybe, the influence of the people around him.

Nakatulog ako habang nasa biyahe. Ginising na lang ako ni Jill noong nasa airport na kami ng Tuguegarao. Pagbaba ay sumakay na kami para makapunta sa aming bayan.

Beyond The Darkness (Levrés Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon