Kabanata 11

6.5K 238 55
                                    

Hindi ko alam na big deal pala para kay Corvan iyong nangyari. Iyong hindi naman sinasadya na pag-kiss namin! Hindi kasi siya pumunta sa amin noong sumunod na araw. Wala siyang chat o ano.

Nakakabwisit siya! Siya pa may ganang mainis eh ako nga iyong nawalan ng first kiss! Dapat ako iyong naiinis, hindi siya!

Alam naman namin na marami na siyang nahalikan na babae! At hindi lang saglit na halik ang nagagawa niya sa mga iyon! Kaya hindi ko alam bakit big deal sa kanya iyong nangyari! Eh saglit lang din naman na nagdikit ang mga labi namin!

Nakakainis! Nakakainis siya!

Sinipa ko ang batong madaraanan ko. Malayo itong tumalsik. Papunta ako ngayon sa batis para maligo. Baka sakaling mawala rin ang pagkakairita ko.

Tahimik noong dumating ako. Kalmado ang tubig. Hindi kasi malakas ang hangin ngayon. Wala ka rin maririnig na huni ng mga ibang ibon. Wala rin araw sa kalangitan.

Nilapag ko sa gilid ang dala kong tote bag na may laman na mga damit ko.

Hinubad ko lang iyong damit na suot ko. May nakapaloob ulit akong sando na panligo. Kahit na wala naman tao rito, ayoko pa rin maligo ng naka-bra lang. Hindi pa ako sanay.

Naglakad ako patungong ilog. Medyo malamig ang tubig ngayon. Noong nakarating na sa malalim na parte ay sumisid na ako para lumangoy. Patuloy lang akong lumangoy hanggang makarating sa mga batuhan.

Umupo ako roon at pinagmasdan ang paligid. Tama lang na pumunta ako rito dahil medyo nawawala nga ang pagkainis ko.

Lumangoy lang ako at sumisid. Dumilat ako habang nasa ilalim ng tubig. Sobrang linaw ng tubig kaya kitang-kita ko mula sa pwesto ko ang mababaw na parte at ang mga bato roon. Lumangoy ako patungo roon. Hindi pa rin ako umahon. Tinignan ko ang mga makikinis na bato na naroon. Kumuha ako ng isa. Ipanghihilod ko lang sa katawan ko.

Umahon ako at tumayo. Agad napadako ang mga mata ko sa taong nagtatali ngayon ng kabayo niya. Nakakunot ang noo niya, pero noong makita ako ay umaliwalas ang kanyang mukha.

Tumalim ang tingin ko sa kanya. Bumalik ulit sa akin ang pagkainis ko sa kanya. Medyo napaatras siya at tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"What did I do?" lito niyang tanong.

Inirapan ko siya at sinubukan na lang gamitin iyong bato sa katawan ko.

Naaninag ko ang maingat niyang paglapit. Hindi siya lumusong at nakatayo lang doon habang dinudungaw ako. Marahan kong kinuskos iyong bato sa aking braso. Pero wala naman akong makuhang libag.

"I am sorry for what happened that day," malumanay niyang sinabi.

Binalik ko ang masamang titig sa kanya. He licked his lower lip. Medyo kabado siya habang nakatingin sa akin.

"Hindi ko naman sinasadya iyong nangyari kaya bakit ka nagalit diyan?!"

Nanlaki ang mga mata niya. "I'm not mad at you, Daphne. Hindi rin ako nagalit dahil sa nangyari."

"Kapal naman ng mukha mo kung magagalit ka, hindi ba? Eh dapat ako iyong nagagalit dahil first kiss ko iyon! Pero hindi ako nagalit kasi hindi naman sadya iyon!" pagalit kong sinabi.

Bigla siyang lumusong at lumapit sa akin. Suot pa niya ang pantalon niya! Huminto siya sa harap ko. Basa na ang kalahati ng katawan. Napaatras ako ng kaunti.

"I distance myself for a bit because... I want to kiss you again," nahihirapan niyang sinabi.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hinaplos ko ang pisngi ko dahil sa biglang pag-init nito.

Beyond The Darkness (Levrés Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon