"Nagtatanim ka pa rin?"
Napaangat ako ng tingin at nakita si Corvan na nakahawak sa bakod. Suot ulit ang ngisi niya. Tumayo ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Wala naman gaano nagbago sa kanya. Tumangkad lang ng kaunti.
"So very nice to see you again, Daphne," ngumiti siya.
Nagpatuloy na ulit ako sa pagtatanim. Hindi ko ito gaano naasikaso noong pasukan kaya ngayon ko ulit siya bibigyan ng pansin. Marami na ako ulit pwede ibenta.
"Why aren't you excited to see me? That's unfair because I am," sabi niya at naramdaman ko ang pagtalon niya mula sa bakod.
Tiningala ko siya noong mapansin ang pagtapat niya ng isang bagay malapit sa mukha ko. Isa itong malaking paper bag.
"My gifts for you," sabi niya.
"Nagbibiro lang naman ako noon," sabi ko noong maalala ang paghingi sa kanya ng regalo.
"Bibigyan naman talaga kita kahit hindi ka magbiro," sabi niya.
Kinuha ko iyon sa kamay niya at sinilip ang nasa loob. May dalawang kahon sa loob. Nilabas ko ang isang at nakita ang tsek na tatak. Sinilip ko ang loob nitong kahon para makasigurado kung tama ba ang iniisip ko. Tama nga. Sapatos ang laman.
Ngumuso ako para mapigilan ang pagngiti. Saktong-sakto at wala akong sapatos. Meron man, maliit na sa akin at isa lang din. Kagaya ng sinabi ko, hindi ako binibilhan ni Nanay. Si Lolo ang nagbigay ng sapatos na iyon. Hindi na ulit ako nagpabili pa ulit dahil wala naman ako gaanong paggagamitan. Pero sapatos din ang isa sa pinag-iipunan kong bilhin ngayon.
Alam ko mahal ang sapatos na ganito. Lalo na't original ito hindi iyong peke lang na nabibili sa bayan na tig-250. Kaya medyo nakakahiya tanggapin. Lalo na't galing pa sa kanya.
"Dapat hindi ka na nagregalo. Atsaka bakit dalawa?" tanong ko.
"Gifts for your birthday and for Christmas."
Natigilan ako. Birthday, huh. Hindi naman ako nakapag-celebrate dahil nakalimutan ko rin. Kung hindi lang ako binati ni Lolo at Jill hindi ko pa maaalala. Para sa akin kasi, ordinaryong araw lang naman iyon.
Noong grade one ako, may nag-birthday sa classroom namin na kaklase ko. Puro galing sa Jollibee ang handa niya. Namangha ako. At nainggit. Kaya noong pag-uwi ko, sinabi ko kay Nanay na gusto ko mag-birthday sa Jollibee.
"Anong birthday?!" inis na bulyaw nito sa akin. "Kapal naman ng mukha mong mag-celebrate?! Eh dapat nga hindi ka na nabuhay!"
Mula noon, hindi na ako naghangad mag-celebrate ng birthday ko. Gusto man ni Lolo, hindi na ako pumayag. Kaya binibili na lang niya ako ng regalo o cake.
Nilabas ko iyong sapatos. Kulay itim ito. Sinukat ko ito at saktong-sakto sa akin.
"Alam mo sukat ng paa ko?" tanong ko kay Corvan.
"Yes," sagot niya.
Nagtataka ko siyang tinignan. "Paano?"
"Tinignan ko lang at tinantiya," ngumisi siya.
Nagtitigan kaming dalawa. Kaya bang malaman ang sukat ng paa kung titignan lang? Sinulyapan ko iyong paa niya. Malaki. Size five ang paa ko. Kung tatantiyahin ko, baka nasa seven ang kanya? Pero parang eight.
"When I saw your feet, I've ingrained it in my mind. So it was easy for me to know your size," paliwanag niya.
Parang ang imposible naman ata. Pero hayaan na nga. Tamang-tama naman ang sukat sa akin. Bahala na siya kung paano niya nalaman ng tama.
BINABASA MO ANG
Beyond The Darkness (Levrés Series #5)
Ficción GeneralBata pa lang si Claudia Daphne Alejo ay marami na siyang hirap na naranasan. Paghihirap sa magulang, paghihirap sa ibang tao, at paghihirap para sa sarili. Daig pa niya ang bulag dahil puro kadiliman na lang ang nakikita niya. Pero lahat ng paghihir...