"In order to have balance in this world, one must suffer for one to be happy."
- AnonymousKabanata 3
"Kain muna tayo." Alok sakin ni Erika. Grabe! Delikado talaga pag si Erika ang makasama mo magshopping, nakakastress! Eh pano ba naman, bili dyan, bili dito, punta dyan, punta dito, HAY NAKU! Nakakagutom, diba? Mabuti naman at naisipan ng lokaret nato na kumain. Kanina pa kaya kumukulo yung tiyan ko! Buti naman at hindi ako nagwawala dito. Kasi kung nagkataon, naku! Baka matagal ng walang legs si Erika dahil kinain ko yung legs nya at inimagine na chicken joy yung kinain ko. Buti nalang di nangyayari baka magmukha akong zombie nito.
"Tama." Matamlay kong sabi habang nakahawak ng 6 paper bags. Kumusta naman yun?! Naubos na lahat ng lakas ko! Buti pa si Erika, apat lang ang hinawakan nyang paper bags. Unfair. Dapat sya yung mas maraming paper bags na dala kasi sya ang maraming binili kumpara sakin.
"Tara, sa Jollibee tayo, nakakamiss eh!"
Nagsimula na kaming maglakad papuntang Jollibee, pumasok na kami at umupo sa isang bakanteng table. Sa wakas! Nakaupo rin. Pagod na pagod na talaga ako! Di na talaga ako sasama sa Erika nato! Tinotorture ako eh.
Nilapag ko na yung mga paper bags na hawak ko sa ilalim ng mesa. Kapagod. Makakakain rin sa wakas. Gutom na talaga ako.
"Ano gusto mo?" Tanong ni Erika sakin habang nakaupo at nakangiting nakatingin sakin. Eh kung sapakin ko to? May pangiti ngiti pa, eh kita namang torture naako dito dahil sa kanya. Totorturin ko din tong bulsa nya.
"2 pieces of burgerstick w/ rice, 2 extra rice, yung drinks coke, sunday, large french fries, 1 regular hamburger, tsaka hmm.. yun lang." Gutom eh kaya pagpasensyahan nyo na kung maraming inorder. Tinignan ko si Erika para makita yung reaction nya, at ayun ang lokaret, pang owl na yung mata. Ha! Buti naman para marealize nya kung gano na talaga ako kagutom dito.
"Whoa! Di naman siguro halata na gutom ka no? Nevermind, samahan mo ko, di ko kayang buhatin lahat ng tray." Sabay tayo nya sa harapan ko.
"Susunod nalang ako."
"Okay." Sabay alis nya sa harapan ko tsaka pumila.
Grabe, nakakapagod talaga. Naubos lahat ng lakas ko. Pakshet. Nakaka oh my gosh nato ah! Di na talaga ako sasama kay Erika tuwing magshoshopping sya, pinapatay ako eh!
At mas lalong nakaka oh my gosh nato kasi tinatawag naako ng kalikasan. Kumusta naman yun?! Argh! Punyetang dracula naman oh!
Tumayo naako at agad pumunta sa cr dito sa jollibee, pumasok agad ako sa isang cubicle. At sinagot ang tawag ni kalikasan.
Pagkatapos nun finlash ko na yung bowl at bumalik na sa table namin pero pagkalabas na pagkalabas ko, maraming mga tao na ang nagkukumpulan na parang may pinalibutan sila.
Sandali nga lang ako nawala, tapos ito? Anong nangyari? Tsaka bakit hindi pa dumating si Erika? Gutom naako! Nakakainis. Psh. Baka makain ko tong mesa nato dahil sa gutom.
Tumayo naako at lumapit ako don sa maraming taong nagkukumpulan pero, wala eh! Ang tataas nila kaya di ko makita yung pinangguguluhan nila pero rinig na rinig ko ang mga sigawan na parang may nag-aaway. Nakakaloka nato ah! Ano bang nangyari dito? Naka-on na yung pagiging chismosa ko!
"Do you know how much this cost?! Ha?!" Rinig kong sigaw ng isang boses babae. Tumalon talon na nga ako dito para makita kung ano talaga yung nangyari dito. May narinig pa nga akong babaeng umiiyak. Nakakaloka nato! Tumigil na nga lang ako sa kakatalon kasi nagmumukha akong tanga dito. Napacross arms nalang ako at napasimangot. Ba't ba naimbento yung height sa mundong to?! Kainis!
![](https://img.wattpad.com/cover/32322730-288-k181329.jpg)
BINABASA MO ANG
1:26 AM
Teen FictionBefore everything goes up and down, Before everything will turn around, Before our tears will flow down to our cheeks, You have to do it now before the clock strikes at 1:26 AM. Because sometimes, being later becomes never.. And let me tell you, you...