"Forgive and forget, than revenge and regret."
- AnonymousKabanata 10
Erika's POV
"Kuya!!"
"Oh ano?! Whoa! Ikaw ba yan, aking kapatid?" Tanong nya sakin habang namimilog yung mata nya at yung bunganga nya. Suntukin ko kaya to para wala ng bolero sa mundo?
"Che! Kuya, san ko pa nga nilagay yung dress ko? Nakalimutan ko eh!" Sabay kamot ko sa ulo. San ko ba yun nilagay yung dress ko? Nasa kwarto ko lang yun, pero nung hinanap ko sa room ko, wala eh.
"Yaks! Kuto!" Aba at--! GRRR!
"Excuse me?!" Galit kong sabi sa kanya. Kapal nitong kuya ko, kung makapagsalita, kala mo perfect, pwe!
"Dadaan ka? Oh ito," ABA'T--! Pigilan nyo ako, sabing pigilan nyo ako! Spell PILOSOPO!
"Buwisit! Dyan ka na nga!" Sabay lakad ko patungo sa kwarto. Nakakaleche kausap yun, kaya mas mabuting pumunta nalang ako pabalik sa kwarto, kaysa naman makipag-usap sa isang unggoy. Yaks.
Pagdating ko sa room ko, nilock ko agad yung pinto, at nadatnan ko yung baklang beautician ko na nagngangalang Janry ay nagmamake up.
Napansin nya ata ako kasi tumigil sya kakalagay ng blush-on sa cheeks niya, at tumingin sa direksyon ko habang nakangiti sakin.
"Nanditey ka na pala!" Sambit nung bakla. Tumayo na sya sa pagkakaupo tsaka lumapit sakin at hinila nanaman ako paupo sa harap ng isang malaking salamin. Tinignan ko nga yung sarili ko sa salamin, at ito lang ang masasabi ko, ang bongga ko! Naks, maiinlab na sakin si Christian my lovy dovey nito! Kyaaaah!
"Lika na madir, tatapusin na natin yang make-uplalu mo itey!" At ayun, nagsimula na nyang make-upan ako. Di pa pala yun tapos? Nakakaloka!
Pagkatapos niyang tapusin yung pagmamake up sa mukha kong makakapag head over heels kay Christian my loves, kinurl na niya yung buhok ko pero sa dulo lang ng hair ko. Pero bongga at ang ganda ko parin kahit sa dulo lang ang may kulot.
Iniwan niya muna ako nung bakla at mukhang may kinuha, pagbalik niya sa kwarto ko ay nalaman kong dress ko pala yung kinuha niya. Ang galing! Kanina ko lang yan hinanap, nasa baklang ito pala?! Mahusay, napaka mahusay! -_-
"Here na dresslalu mo madir! Wear na this!" Sabay pakita nya sakin nung dress. Naku! Pasalamat tong baklang to na maganda yung dress kasi baka anytime, nasuntok ko nato ng dahil sa inis, eh kanina ko lang yan hinanap eh!
Kinuha ko na yung dress at pumasok sa cr para makapagbihis, tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin dito sa cr at ang super bongga ko talaga! (See the picture of the dress at the media. Thanks!)
"Ang bonggacious mo sister!" Sabi nung bakla sakin habang nakangiti worth 5 centavos. Joke! Hahahaha.
"I know right!" At nag apir kaming dalawa sa isa't isa. Ang ganda ko talaga! Maglalaway na sakin si Christian my loves nito! Yiiieeeh!
Pagkatapos namin magpurihan sa kwarto ko, lumabas na kaming dalawa sa room ko at nadatnan namin sina mama, papa, at kuya sa sala na nag-uusap tungkol sa di ko alam, di ko marinig eh.
Lumapit na ako sa kanilang dalawa habang yung bakla nakasunod sakin at binati namin yung pamilya ko ng bonggang bongga!
"Hi ma, pa and kuya." Sabay kiss ko sa kanilang cheeks isa-isa, pagkatapos ay tumayo ng maayos sa harapan nila.
"Halu din po madir, padir, and kyaaaah! Pogi," Sabay wink nung bakla sa kuya ko, ew! Hahaha, pero nakakatawa yung ginawa nya, natawa nga sina mama, kuya at papa pati nga ako.
BINABASA MO ANG
1:26 AM
Teen FictionBefore everything goes up and down, Before everything will turn around, Before our tears will flow down to our cheeks, You have to do it now before the clock strikes at 1:26 AM. Because sometimes, being later becomes never.. And let me tell you, you...