"Starting today, you need to forget what's gone. Appreciate what still remains and look forward to what's coming next."
- Anonymous
Kabanata 16
"Manyak ka! HEH!" Inirapan ko nga siya.
"Manyak nga, pero itong manyak nato, may gusto sayo kahit magmukha ka mang manang diyan, ikaw parin pipiliin ko."
"Aaayiieeeh~!" Patuloy parin sila sa pag-asar saamin. Nakakainis! >///<
Sumimangot nalang ako at agad hinablot ang nighties ko na nasa kama tsaka padabog na naglalakad patungo sa CR.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa CR, nilock ko agad yung pinto. Baka manyakin nanaman ako ng unggoy na yun! Nakakaleche! Hmp!
Agad akong humarap sa salamin at pinagmasdan yung sarili ko, halatang namumula nga ako. Pero hindi ibig sabihin nito na kinikilig ako dahil sa manyakis na lalakeng yun noh! Ewww~!!!
Namumula ako ng dahil sa inis kaya! Oo, tama. Nang dahil sa inis, hindi ng dahil sa kilig. Akala naman nila na kinikilig ako ng super, PUWES! Nagkakamali sila, tapos yung manyakis naman, feel na feel ang pagbanat. Pwe~!!!
Naiinis ako! Naiinis ako! Naiinis ako! AAAHHHH!!! Baka sumabog na talaga ako dito! Pagkatapos nila akong lait laitin, bumabanat?! Ha! Akala niya mapapatawad ko siya, pero nagkakamali siya! SILA! GRRR! POKEMON ATTAAACK~!!!
Okay, Crichelle. Relax lang. Wag masyadong mahigh blood, nakakapanget. Breath in. Breath out.
Pfui~!
Pagkatapos kong mag-emote sa loob ng CR, charot! Agad akong nagbihis ng nighties sa loob ng banyo, iniwan ko lang doon yung tuwalya sa loob tsaka lumabas na ako sa banyo na nakasuot na ng nighties.
Pagkalabas ko, nadatnan kong wala na yung mga barkada ni kuya Ian at yung sakin pati yung mama at papa ni Erika. Pero mayroong maid naman na naglilinis sa mga kalat na ginawa namin este nakin.
Inikot ko yung dalawang mata ko sa paligid at nakita ko nanaman yung manyakis na yun na nasa kama nakahiga habang nagsasound trip at nakapikit pa talaga ang mata ah!
Bigla nanamang nag-init yung dugo at ulo ko, nakaka GRRR!!!
Ano ba ang gustong iparating ng manyak nato?! Na dito siya matutulog?! Ha! Puwes, hindi ako papayag!
Never~!!!
Bigla akong napasimangot sa mga pinag-iisip ko, padabog akong lumapit sa manyakis na yun at PAK!!! Pinitik ko nga sa noo, mwahahaha!
"Anak ng~!" Sabay bangon niya at nakabukas na yung mata tsaka hinihimas himas pa niya yung kawawang noo niya at agad niyang sinabit sa leeg niya ang headset niya. Ha! Kala mo ah!
BINABASA MO ANG
1:26 AM
Teen FictionBefore everything goes up and down, Before everything will turn around, Before our tears will flow down to our cheeks, You have to do it now before the clock strikes at 1:26 AM. Because sometimes, being later becomes never.. And let me tell you, you...