Kabanata 19

92 4 1
                                    

"Remember, happiness doesn't depend upon who you are or what you have; it depends solely on what you think."

- Anonymous



Kabanata 19


Masakit pala noh?




"Ohemgee. Talagang may past silang dalawa!"



Natigilan ako sa pagsusubo ng chocolate bar ko nang makita ng dalawang mata ko na pumasok si Trixie sa library tapos maya maya'y pumasok rin sa loob si Philip. Nilunok ko yung chocolate na kanina ko pa nginunguya, talagang may past sila, nandito kami ngayon ni Erika sa labas ng library, nagtatago sa mga malalaking puno and uh... well... stalking? 3 weeks na ang nakalipas simula ng malaman kong ex girlfriend ni Philip si Trixie na substitute professor namin sa Plain Trigonometry kasi yung totoong prof namin eh naaksidente tsaka nakaconfine pa rin hanggang ngayon sa hindi ko alam kung saang hospital. At kaya pala pamilyar saakin ang mukha nang prof Trixie namin kasi siya pala 'yong babaeng nakilala ko sa CR ng bahay nina Erika.



"GRRR! Tumigil ka sabi eh! Nakakainis ka! Nakakabuwis-!"



"Miss, are you okay?"



"A-Ako?"



"Hahaha! Yep. Tayo lang kaya dalawa nandito, nakakatawa ka talaga! Hahaha!"



"Oh. Sorry for being rude, by the way, I'm Kim, and you are?"



"Crichelle."



Napabuntong hininga ako nang maalala ko nanaman kung paano kami nagkakakilala, ngayon ko lang napansin na maganda pala siya. Maganda si Trixie Kim Arana. Makinis ang kanyang balat at maputi, kung titigan mo siya parang kumikinang yung balat niya. May mapupulang manipis na labi siya, mahaba ang kanyang pilik mata, hanggang balikat lang ang kanyang makintab at straight na buhok, matangos ang kanyang ilong at may mata siyang hindi kasingkitan pero ang pinakamagandang parte sa kanya ay ang ngiti niyang nakakahumaling, yung tipong mas gugustuhin mong titigan siyang nakangiti lalong lalo na tumawa siya keysa ibang bagay, ganoon kaganda ang ngiti niya. 3 weeks na din ang nakalipas simula nung naging curious kaming dalawa ni cupcake kung ano ang meron sa kanila at 3 weeks na din ang nakalipas simula nang magsimula kaming mag-stalk sa kanilang dalawa. Minsan nga mahuhuli namin si Philip na sumusulyap kay professor Kim kahit saan, at kung sa klase naman ni professor Kim, lagi kong napansin na lage siyang di nakikinig sa mga lectures ni Kim tsaka lagi siya nakaheadset at nakatuon ang atensyon sa kanyang cellphone, tapos minsan-ay este palagi pala na sinusundan ni Philip si Kim kung saan siya pumupunta, katulad ngayon. Sinusundan niya si Kim sa library.



Napahawak ako saaking dibdib ng maramdaman kong kumirot ito.

1:26 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon