Kabanata 15

261 25 12
                                    

"There are certain realities we can only see through eyes that are cleansed through tears." 

- Anonymous

Kabanata 15

Erika's POV

"O-Okay lang ba?" Tanong saakin ni Crichelle. Nakita ko naman sa mga mata niya na para bang hindi dapat ako papayag. Ngumiti nalang ako sa kanya ng pagkatamis tamis.

"Oo naman. Kaya shoo na~!" Sambit ko sa kanya habang naghahand gesture na parang pinagtatabuyan ko siya.

Nakita ko namang nalungkot yung mukha niya. Di ko nalang pinansin yung expression niya, alam ko namang gustong gusto talaga ni cupcake na makasayaw yung lovy dovy niya kahit di man niya aminin sa sarili niya. Echos! Ayiieeeh! Kilig much~! Crichelle plus Philip equals CRILIP LOVE TEAM!!! Kyaaaah! \*O*/

"S-Sure." Sambit ni Crichelle sabay lagay ng kamay niya sa palad ni Philip.

Nagulat naman ako nung hinalikan ni Philip yung kamay ni cupcake. Omo! Halik sa hand? Kyaaaah !Kinilig ako~! Ayiieeeh! Kakakilig sila, ang ishweet! Sana ganyan din si Christian my--I mean, ano ba tong pinagsasabi ko? Ano ba tong pinag-iisip ko? May toyo ata ako sa utak, GRRR! Ba't mo ba siya iniisip Erika ha?! UGH! Nakakainis. Siya nalang palagi! Move on na Erika! Pinapaasa ka lang niya! Walanghiya siya, tama ba daw na maghalikan sila nung babaeng haliparot na yun sa likuran ko pa?! Naku talaga!

Teka, ba't ba ako naging ganito? Ba't ba ako naiinis? Ba't ba ako nagseselos? Eh wala naman akong karapatan dahil hindi naman kami at hinding hindi magiging kami! Lecheng lalakeng yun! Mamatay na sana siya, malaking paasa! PAFALL! Karmahin sana siya, leche siya!

Di ko napansin na nakatayo na pala si Crichelle at unti-unti na silang naglakad palayo sa direksyon ko.

Buti pa siya, lumalovelife na. Eh ako kaya?

Pinagmasdan ko yung mga taong sumasayaw kasama yung pinapangarap at mahal nila, nahagip ng mga mata ko sina Brittany, Alice at Mary na masayang nagsasayaw kasama yung mahal sa buhay nila.

Buti pa sila noh? Buti pa sila walang taong pinapaasa sila. Buti pa sila, may kasayaw na. Eh ako kaya? May lalake pa bang lalapit saakin at yayain akong magsayaw?

May lalake pa bang hindi ako papaasahin?

May lalake pa bang mamahalin ako?

May lalake pa bang tanggapin ako ng buong buo?

May lalake pa bang hindi ako sasaktan?

Chos! OA ko talaga. Hehe. Pwede na ako sumali sa PBB Teens, hahaha! Joke lang.

Inilibot ko muli yung mata ko sa mga nagsasayawan, at naman oh! Napaka mapaglaro ng tadhana, eh nakita ko lang naman si Christian na may kasayaw na babae, at ang babaeng yun ay yung babaeng kahalik niya kanina.

1:26 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon