Kabanata 17

159 13 1
                                    

"The only thing that stands between you and your dream is the will to try and the belief that it is possible."

- Anonymous






Kabanata 17





*Ringgggg~!*




"Hmmm.."




*Ringgggg~!*




Ugh. Anong ingay ba yan? Inaantok paako dito, saang galing ba yang tunog na yan? Kung sa alarm clock, humanda ka saakin pag napuno ako!




*Ringgggg~!*




Aba at-! Ayaw tumigil? Humanda ka saaking alarm clock ka! Agad kong iginalaw yung kamay ko at hinanap yung alarm clock sa bedside table na nakapikit, pero instead na alarm clock ang mahawakan ko, flower vase ito at minamalas malas nga naman, natabig ko ito kaya ayun, POOF! Nabasag yung vase.




Agad akong bumangon at binuksan yung dalawang mata ko. Pinagmasdan ko yung flower vase na nabiyak ko sa sahig. Lagot nanaman ako nito, marami na nga akong nasirang gamit kagabi, pati ba naman ngayon? Anak ng lechugas! Labuyan mo nga ako malas. T_T




"Anong nangyari diyan?" Napalingon ako sa direksyong kung saan yung banyo at kung saan narinig ko yung boses ni Philip. Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo, at ngayon lang ito pumasok sa isip ko na, NAKA HALF-NAKED SIYA! >///<




Oh my! My virgin eyes~!!! (/>O<\)




Agad kong tinakpan ang mga kumikinang kong mga mata, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit kong sabi sa kanya. Napaka walang hiya talaga tong lalakeng to! Alam naman niyang may babae sa kwarto nato, tapos maghahalf naked siya? Ha!




Teka, napaisip ako, may abs kaya siya? Kung oo, ilan kaya? 6 pack abs? Oh my! Ano kaya pakiramdam kung mahawakan ko yung abs niya? Matigas kay-ANAK NG! Ano ba tong pinag-iisip ko?! Walanjo! Naging malandi na utak ko!

1:26 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon