"When you feel like you are drowning in life situations, don't worry! Your lifeguard walks on water."
- Anonymous
Kabanata 4
Erika's POV
"Okay." Sabay alis ko sa harapan nya pagkatapos kunin yung order nya at pumila na dito sa Jollibee. Waitress lang peg? Pero hayaan nyo na, pagbibigyan ko muna sya. Hehe.
Sa totoo lang. Di naman talaga ako gutom kung bakit inaya ko syang kumain, sadyang naawa at natakot lang talaga ako sa mukha ni Crichelle, mukhang mangangain na ng tao eh. Wag naman po. Di ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Ako kasi ang naging dahilan kung bakit ginutom tong si cupcake. Cupcake nalang itawag ko sa kanya. Wala lang. Trip lang.
Tsaka, alam nyo ba? Alam nyo ba kung bakit ang dami kong pinamili? Hindi naman kasi ako shoppaholic, ganito kasi yun. Nakita ko kasi yung crush ko na may kasamang babae which is cousin nya, stalker eh kaya alam na alam. Tapos sinundan ko, este namin sila na mukhang walang kamalay malay naman itong si Crichelle kung bakit ang dami kong pinuntahang boutique at pinamiling damit tsaka mukhang di nya alam na may sinusundan kami AT mukhang di nya alam na nandito yung crush ko sa mall. Kaya kung makangiti ako, wagas. Kaya wag nyo akong sisihin kung bakit ang dami kong pinamili, paraparaan ko lang yun para di nila mapansin na sinusundan ko sila. Stalker na kung stalker, ganyan lang talaga ako pag magkaroon ng crush.
"What's your order Ma'am?" Ops! Turn ko na pala. Sinabi ko na sa kanya yung mga inorder ko. Mukhang umabot ng 1 minute yung pagsabi ko ng mga orders ko, eh pano ba naman! Ang daming inorder ni cupcake na kala mo di nakakakain ng isang taon, tsaka isa pa, makakalimutin ako. Di naman ako matanda, sadyang ganun lang.
"Dine in or take out?"
"Dine in." Sagot ko habang pasulyap na tumitingin sa table namin. Pero nakakagulay! Wala sya dun sa table. San na ba yun? Tutulungan pa ako ni cupcake na magbuhat ng mga tray! Nakakagulay!
Ilang minuto akong naghintay sa order ko at kay Crichelle. Pero order lang ang dumating! Argh! San na ba yung si cupcake? Tinangay na ba sya ng hangin? Kinain na nya kaya yung sarili nya dahil sa gutom? Or nakipagsuntukan sya kay Manny Pacquiao don sa Araneta? San na ba yun?!
"Here's your order Ma'am." Napatingin agad ako don sa Service Crew. At laking gulat ko na tatlong tray ang nakita ng dalawang nakabilog kong mata. Nakakagulay! Di ko keri to. Naku! San na ba yung Crichelle na yun? Di ko pa namang kayang buhatin lahat ng to! Tulong naman oh!
"Uhhm, o-okay." Yan nalang nasabi ko at akmang kukunin na yung mga tray pero biglang nagsalita yung Service Crew na kinabibigla ko. Pasensyahan nyo na, magulatin lang talaga ako. Hehe.
"Ay Ma'am, sya na po magbuhat nyan." Sabay turo nya don sa lalakeng biglang tumabi naman sa kanya. Not bad. Gwapo naman pero konti lang. Ay! Ang landi ko talaga. Magtigil ka nga Erika!
"Ah sige. Pero ako na magbubuhat sa dalawang tray. Kahiya naman." Syempre naman. Kahit papano, marunong din naman akong mahiya.
BINABASA MO ANG
1:26 AM
Teen FictionBefore everything goes up and down, Before everything will turn around, Before our tears will flow down to our cheeks, You have to do it now before the clock strikes at 1:26 AM. Because sometimes, being later becomes never.. And let me tell you, you...