"Why is a car's windshield so large and the rear view mirror so small? It's because our Past is not as important as our Future. So, look ahead and move on."
- Anonymous
Kabanata 20
Sa tabi ng Lapida
"Shiz, Crichelle! Ano na bang nangyayari sa'yo?" Aniya sa kanyang sarili habang nakaharap sa salamin sa loob ng CR. Ginulo niya ang kanyang buhok at pinunasan ang kanyang mga luhang patuloy sa kakaagos na parang gripo.
"Ba't ka ba nasasaktan ha?! Sht, Crichelle! U-Umayos ka!" Buti nalang at walang tao sa loob ng banyong pambabae kaya libre siyang makakapag-emote mag-isa. Huminga siya ng malalim at pilit pinakalma ang kanyang sarili.
Panay ang pagkirot ng kanyang puso. Nasasaktan siya. Patuloy niyang pinunasan ang kanyang mga luha, inayos niya ang kanyang buhok na magulo gamit ang kanyang mga daliri, at pinagmasdan ang kanyang sarili sa salamin. Sinusuri niya ang bawat parte ng kanyang mukha. Medyo namumugto ang kanyang mata, at lumalaki 'yong eyebags niya pero keri lang 'yan, maganda parin naman siya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at maya maya'y tumigil na siya sa pag-iyak.
Baby heart, okay lang 'yan. Kahit may sugat ka na diyan, basta 'wag mo lang hayaang mawasak ka ah? Konting tiis nalang baby heart, hihilom din 'yan.
Nang tuluyan na niyang pinakalma ang sarili ay nagsimula na siyang humakbang patungo sa may pintuan. Pinihit niya ang doorknob at marahan itong binuksan, lumabas na siya at laking gulat nalang niya nang makita si Philip nakasandal sa pader sa gilid ng pintuan, nanigas ang kanyang buong pangangatawan, napahawak siya sa kanyang dibdib nang maramdaman nanaman niyang kumalabog ito. Nakapamulsa si Philip at may shades na suot habang nakasandal sa dingding. Ang gwapo niya talaga, haaay. Perfect shape 'yong matangos niyang ilong, may mapupula siyang manipis na labi, mahabang pilik mata, nakakahumaling na ngiti, buhok niyang pormal, at ang mata niyang kumikinang na parang bituin.
Halos mapatalon siya sa gulat ng nilingon siya ni Philip at bahagyang ibinababa ang shades nito. Nagsimula nanamang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso, bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan. Ramdam niyang uminit ang magkabilang pisngi niya sabay iwas ng tingin kay Philip. Magsisimula na dapat siyang humakbang pero agad niyang naramdaman ang kamay ni Philip na nakahawak sa kanyang kamay, bumilog ng bahagya ang kanyang mata dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Lumunok siya ng isang beses, at marahang nilingon si Philip, nakatingin lang ito sa kanya ng seryoso at diretso. Uminit ng bahagya ang kanyang puso.
"T-Teka asan tayo?" Ani Crichelle nang nagsimula na silang humakbang at hilahin siya ni Philip patungo sa exit gate. Pilit siyang magpumiglas, ayaw niya kayang magcutting kahit crush pa niya 'yong kasama niya! At buti naman inamin niya sa kanyang sarili na crush niya ang lalakeng nakahawak sa kanyang kamay. "Oy! San tayo pupunta? May k-klase pa tayo oy!" Aniya ng matanaw niya ang exit gate.
BINABASA MO ANG
1:26 AM
Fiksi RemajaBefore everything goes up and down, Before everything will turn around, Before our tears will flow down to our cheeks, You have to do it now before the clock strikes at 1:26 AM. Because sometimes, being later becomes never.. And let me tell you, you...