"Don't ever put your happiness in someone else's hands. They'll drop it every time."
- Anonymous
Kabanata 7
Sabay kami ni Erika pumasok ngayong 2nd day of college life. Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagkanya kanyang nagsipuntahan sa room namin.
Pagpasok ko sa room namin, nakahinga naman ako ng maluwag ng madatnan kong wala pa yung prof namin sa Literature. Kaya ito ako, nagbabasa muna ng wattpad love story sa cellphone ko. Naks. Mahilig pala ako sa wattpad, dun ko lang kasi mahahanap yung perfect boyfriend. Never pa kasi ako nagkakabf, sabagal sa buhay eh. Bitter? Di naman. Ngiti ng ngiti naman ako dito kasi di ko mapigilang kiligin.
"Good morning class." Nandito na pala yung prof namin kaya tinago ko na yung phone ko at binati din namin si Sir.
"Class, we will be having our first oral recitation about your life experiences. No life experience, no points. So, let us start with this row and let's start with you, Miss?" Sabay turo ni Sir sa 3rd row at dun sa girl na nakaupo sa pinakaunahan sa may right. Naks! Oral agad, pero keri ko to.
"Miss Sanchez po, sir." Sagot nung girl habang nakatayo.
"Okay miss Sanchez, face your classmates and answer my question." Sabi ni Sir at tumango nalang yung girl tsaka hinarap kami.
"What is your worse life experience?" Tanong ni sir.
Sumagot naman yung girl hanggang sa turn ko na mag oral recitation. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. Hoo! Kinakabahan ako. Feeling ko kasi pang beauty queen yung tanong. Chos.
"Miss?"
"Miss Perez po." Sagot ko.
"Okay miss Perez. Here's your question, what is the most embarrassing moment that you had experience in your life?" Oh my gosh. Nakakatense naman yung tanong ni sir. Pano ko ba sasagutin to? Kakahiya naman. Magsinungaling nalang kaya ako? Naku! Bad yan. Bahala na nga.
"A-Ano, uhmmm.. N-Nung grade 2 ako, nakapopo ako sa chair ko tapos naamoy ng mga kaklase ko at teacher, at ang masaklap pa, pinauwi ako mismo ng crush ko at nilait pa nga ako." Naku. Ewan ko nalang kung ano na itsura ko nito. Napakamot nalang ako sa batok ko. May naririnig pa naman akong mga tawanan tapos narinig ko si sir na mahinang tumawa. Sabi na nga ba.
"You may now sit down, Ms. Perez." Umupo naman ako at napayuko. Kahiya.
"Nakapopo ka pala, hahahaha!" Psh. Isa pa tong katabi ko. Naku! Hinarap ko nga habang nakataas yung isang kilay ko.
"Che!"
"Sungit. Lage ka sigurong dinadalaw n--" Di natuloy yung sasabihin ni Philip nung pinatayo sya na ni sir.
"Mister?"
"Mr. Parsons po."
![](https://img.wattpad.com/cover/32322730-288-k181329.jpg)
BINABASA MO ANG
1:26 AM
Teen FictionBefore everything goes up and down, Before everything will turn around, Before our tears will flow down to our cheeks, You have to do it now before the clock strikes at 1:26 AM. Because sometimes, being later becomes never.. And let me tell you, you...