Arshen's PoV:
"Okay fine. I'll be your slave."
Kitang-kita ko ang paglawak ng ngisi mula sa kanyang labi. I don't know why pero feeling ko ay may namumuo ng plano sa kanyang isip.
Hindi ko maiwasang mapalunok. Uh-oh. Mukha atang napasubo ako rito. Sana naman ay hindi ako magsisi sa ginawa kong desisyon. Yeah, right. Para sa mga frenny ko.
Nako. Dapat maging thankful sila sa akin. Hmp. Kailangan nila akong ilibre ng fries.
My thoughts were interrupted when I heard that someone is laughing. At mukha atang alam ko na kung sino 'yun.
Etong si ate girl lang naman ang kasama ko ngayon eh.
Mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko dahil doon. Oh scratch that, baka nga takot na ito eh huhu.
But aside from that, I can't help but to be fascinated with her. Wala lang. Ang cute nya kasing tumawa.
Parang witch na natutuwa sa ginagawa nyang spell.
Ilang minuto na ang lumilipas, mabuti naman at tumigil na rin sya. Pero hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa kanyang labi.
Napakamot na lang ako sa aking ulo. May sayad ba ang isang ito?
I faked a cough.
"Pwede na ba akong umalis? Nakapamili na rin naman na ako sa choices mo eh." Diba 'yun lang naman ang gusto nyang mangyari kaya hinila nya ako rito?
I saw how her expression changed. May nasabi ba akong mali?
"You think na ayun na 'yon? Tss." Masungit nitong turan. Napakunot-noo naman ako. Ano bang ibig nyang sabihin ha?
"Cook. Magluto ka ng food. I'm hungry." Dagdag pa nito. Realization hits me. Asdfghjkl! Ano bang klase 'yan?
What the fork? Seryoso ba sya roon?
I glanced at her upang malaman kung niloloko nya lamang ako pero hindi, seryoso kasi ang face nya. Hmp. Ang ganda pa rin. Kainis.
"W-What are you saying? Start na agad ako ngayon? Hindi ba pwedeng sa susunod na araw na lang?" Sunod-sunod kong tanong. Grabe, wala man lang orientation.
"Are you deaf? Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko ha?" Maattitude nitong tanong sa akin. "I said, magluto ka."
"Ang bossy ha." I whispered at umiling pa sa kawalan.
"Bakit? May angal ka ba?" She said suddenly. Nako po, mukha atang narinig nya 'yung sinabi ko huhu. Ang talas naman ng pandinig nya.
Pilit akong napangiti. "W-Wala hehehe... Sabi ko nga, gagawin ko na 'yung sinabi mo."
I heaved a sigh. Mukha atang wala akong kawala sa isang ito ah. Napalinga-linga naman ako sa paligid upang malaman kung nasaan ba ang kitchen ng isang ito.
When suddenly, an idea crossed my mind.
Tama! Dapat tumakas na lang ako. Lihim akong napangisi.
Matamang pinagmasdan ko naman ang babaeng kasama ko ngayon. At nang makahanap ng tyempo, mabilis akong tumakbo papunta sa pintong pinasukan namin kanina.
I smiled. Bwahahaha... Ang talino ko talaga.
Agad kong pinihit ang doorknob. Unti-unting nawala ang aking ngiti nang mapansing hindi ito mapihit. What the fork?! Pano ba ito?
"You really think na makakaalis ka, right? Jokes on you dahil naka-lock ang pintuan at ako lang ang may alam kung paano 'yan mabubuksan."
I bit my lips. Nako po. Naloko na. Dahan-dahan akong nagbaling ng tingin. And there I saw her, smirking mischievously.

BINABASA MO ANG
VIPER
Teen FictionHindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din sya ng mga tao. Hmp. Siguro galing lang 'yun sa mga chismis na nagpasalin-salin sa mga tao. Pero wh...