Chapter 46: The Game is On

24.6K 1K 299
                                    

Arshen's PoV:

We slept that night. Wait, as in natulog lang talaga kami ni Yana. I need to clear out the things that I said. Baka kung ano pang maisip nyo eh.

I really wonder kung nakakaramdam ba ng lamig ang isang 'yun. The whole night kasi ay hindi na sya nagsuot ng damit. Tanging undergarments na lang. I'm still hugging her then may comforter din naman pero ang lakas kaya ng ulan non tapos nakabukas pa ang aircon.

But I can't deny that night is a blast. It felt so good na makatabi mo na yung taong ilan taon ming hindi nakita.

Again, I just found myself smiling nang magawi ang aking tingin sa salamin. Geez. Nagiging weird na ako.

I know naman na wala nang dapat balikan pa. Pero may nag-uurge sa akin na ituloy ang kung anong sa amin ni Yana. Kahit na may chance na saktan nya akong muli.

I clenched my fist as I felt the familiar pang on my chest. Ang sakit. It hurts. Ang sakit sa dibdib.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Pilit kong pinakalma ang aking sarili. I need to keep going. May work pa rin ako ngayon.

I took a glimpse of myself hanggang sa masatisfy ako sa aking itsura. I gathered my things after that. Mabilis na sumakay ako sa aking sasakyan at nagsimulang magmaneho papunta sa company nila Yana.

Before I forgot, doon muna ako maglalagay because I'm busy planning the floor plan at kung anong mga materyales ang gagamitin. Dalawa pa naman ang pinapagawa nya. Isang mall na siguro ay branch ng Del Fierro's Mall.

At 'yung isa ay dream house. Hindi ko maiwasang macurious. Kanino naman kayang dream house ang pinapagawa nya? And oh, ako pa talaga ang gusto ni Yana na magdesign ha.

"Hi, Miss Engineer! Good Morning." Bati sa akin ng babae sa reception. Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya. I know her. Sya 'yung babaeng nag-assist sa akin dati.

"Good Morning din!" Magiliw kong turan sa kanya.

"Good na ang Morning ko, Miss Engineer. Nakita na kasi kita." She said and tucked a strand of her hair on her ear.

Pakiramdam ko'y kinilabutan ako bigla. Malagkit kasi ang mga tinging ibinibigay nya sa akin. She leaned closer.

Isang awkward na smile ang aking ginawa bago tuluyang maglakad papunta ng elevator.

Now, I reached the top floor. I was greeted by Yana's secretary. Napasapo naman ako bigla sa aking dibdib dahil sa gulat.

"Good Morning, Miss Arshen. Ito na po 'yung food. Pinapabigay ni Miss CEO. Ang sweet naman nya." She said while wiggling her eyebrows.

Napailing na lang ako sa kawalan at magiliw na inabot ang pagkain na ginawa ni Yana.

I made my way towards my desk.

"May nakalimutan ka pa bang sabihin, Miss Secretary?" Tanong ko nang mapansing sinundan nya pala ako.

She smirked. "Yes. Gosh. I just want to say na ang ganda-ganda ni Miss Yana ngayon. Para syang nagoglow."

Napataas-kilay naman ako dahil doon. "So? Ano namang gagawin ko? Matagal naman maganda si Ma'am Yana."

"For me, bagay kayo sa isa't isa." The latter said and giggled. I frowned. Che! Baka umasa pa ako eh.

"Did you know? Usap-usapan kaya sya kanina. Boys are drooling and girls are envying her a while ago. Nako, kapag nakita mo rin si Miss Yana, paniguradong matatameme ka rin."

I groaned because of that. Really? Ano bang meron sa babaeng 'yun at ganito sya makapagkwento? Mygoodness.

"Sus. Baka naman gumagawa ka lang ng kwento ha."

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon